[35] Smile Away
Metch's POV
Thursday. 1st week pa lang ng klase pero tambak na agad kami ng assignment. Nasaan ang hustisya diba? Busangot tuloy ang mukha ko habang nakikinig sa discussion ng prof namin sa harapan. Kung minsan, sumusulyap ako kay Chelsea sa kaliwa ko. May napapansin lang ako sa kanya nitong mga nakaraang araw. Masasabi kong bright ang mood niya pero in a weird way. I've been waiting for her to ask me about what's with me and Wayne pero wala lang sa kanya. Ayoko namang i-provoke siya na tanungin niya sa akin yun. Baka kasi wala siyang interes na alamin iyon.
Tinanong ko na rin naman si Wayne nung nakaraan. Sabi niya, wala lang daw yun kay Chelsea. Yung tungkol sa aming dalawa. Well, kung anumang meron kami, isang malabong ugnayan lang yun. Nag-ugat lang naman kasi 'yon sa spur of the moment peg ni Wayne.
"Class dismiss," anunsyo ng prof kaya naman nahinga na ako ng maluwag. Hinintay ko munang lumabas ang prof bago ako nag-strech ng mga braso.
"Haayy! Natapos rin ang araw na 'to," bulong ko sa sarili. Last class na kasi ito e. I mean, last class NAMIN ni Chelsea. Speaking of, nakangiti lang si Chels habang inaayos ang mga gamit niya.
Tumingin siya sa akin na nakangiti pa rin. "Metch, may gagawin ka pa?"
"Wala naman." I suppose, wala talaga. Next week pa naman ang meeting para sa pasahan ng assignments namin. Wala rin namang pasok bukas. Every Wednesday, Friday and Sat, wala na kaming klase. Kakaunti nalang kasi ang subjects namin. "Bakit?"
"Samahan mo naman ako."
Palabas na kami ng classroom nun. Kakaiba talaga ang aura ni Chelsea; happy but strange. "Sa 5th blind date ko. Sama ka?"
I nodded absent-mindedly. Madalas na sabihin sa akin ni Wayne na madalas gustong sumuko ni Chels tuwing pumapalpak ang dates niya. Anyare ngayon?
Pababa na kami nun sa escalator nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Si Wayne, tumatawag.
So, I swiped the screen to answer it. "O, Wayne?"
"Samahan mo ako."
Kumunot ang noo ko. Nasa first floor na kami nun, palabas ng building. "Saan?"
"5th blind date ni Chels."
I gawked at his answer. Parehas naman pala kami ng pupuntahan. Might as well come with them nalang. "Sure, nagpapasama din si Chelsea sa akin. Ano bang... nangyayari?"
I know there's something going on between them. Siguro hindi lang nila sinasabi sa akin. Kung anuman iyon, sana naman magandang kaganapan naman.
"Ibaba mo na. Nakikita ko na kayo," sabi niya kaya automatikong inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Then, I saw him waving his hand on us kaya binaba ko na ang tawag.
Nasa tabi ko si Chelsea nun, nakatingin lang din sa kanya at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. "Nandyan na pala si Wayne," sabi niya.
Nang makalapit na si Wayne, tumingin lang siya saglit kay Chels at saka siya tumabi sa akin. Kung dati, may spark sa tinginan nila pwes ngayon parang back to zero na.
"Ano, tara na? Excited na ako sa 5th blind date ko," she said excitedly as she smiled to us.
***
"Anong meron kay Chels? Ba't siya ganyan?" Nasa East Town center kami ngayon. Sabi ni Wayne, dito raw magkikita sina Chelsea at Tyler, yung 5th guy sa list. Taga UP daw iyon. So, he must be a brainiac?
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...