[85.1] Unwanted Visitor
Chelsea's POV
Ang higpit ng hawak ko sa straps ng back pack ko habang nakatayo't nakatitig sa harapan ng glass house na dating kong tinirahan. Naisipan kong dumiretso na dito pagka-almusal ko kanina dahil kagabi pa ako ginugulo ng isip ko. Sina Mama at Rance naman ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Maynila kaya dapat ay hindi ko na ito patagalin pa. I should put aside the hard feelings that I've been keeping to myself for a long time.
Ilang buga pa sa hangin ang ginawa ko bago ako humugot ng lakas ng loob para pindutin ang door bell sa gate. Ilang segundo lang ay may nagbukas na ng gate at bahagyang lumabas para tignan ako.
"Sino po sila?"
Medyo na-disappoint ako dahil hindi ako kilala ng housemaid na ito, though I should not be irrational. She must bew new here o baka hindi niya ako naabutan noon.
I smiled to her politely, "Ako po si Chelsea. Anak po ako ni Belinda Yu—" Bago pa ako tuluyang magkamali ng bibigkasing apelyido ay tinama ko na. "Madrigal... Belinda Madrigal."
Kumunot saglit ang noo niya bago niya ako tinitigan ng mabuti. Alam ko ng sa tingin niyang iyon ay parang hindi niya ako pinaniwalaan. "Uhm, Ma'am... Ikukumpirma ko lang po kay Ma'am Belinda. Excuse me po," aniya bago sinara ulit ang pinto ng gate.
Napabuntong hininga nalang ako sa sarili at humarap sa tahimik na kalsada ng subdivision na ito. Hayy... Pakiramdam ko tuloy ang isa akong unwanted visitor. Welcome ba talaga ako dito?
Narinig kong bumukas ang pinto ng gate bago ko narinig ang boses na matagal ko nang hindi naririnig. "Chelsea! Anak!"
"Ateeee!"
Pagkalingon ko ay siyang sunggab ng yakap sa akin nina Mama at Rance. Para akong tinakasan ng sariling dila nang makita sila. Gusto kong yakapin pabalik si Mama pero nanatili akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
"Mila! Bakit hindi mo pinapasok agad ang anak ko?" sigaw ni Mama tapos lumayo ng bahagya at sinapo ang mukha ko. "Oh, God. You came back. Tara sa loob—"
Hindi ko pinakinggan si Mama dahil agad akong nag-squat para pumantay kay Rance. Tinitigan ko siya sa mga mata at kusang nangilid ang mga luha ko nang bigla siyang yumakap sa akin. "Ate, bakit ngayon ka lang bumalik?" she sobbed in my chest.
Oh, God. I can't help myself to be emotional seeing that she grew up really fast! Bigla tuloy akong nalungkot nang ma-realize kong wala ako sa tabi ng kapatid ko noong mga panahong hindi pa siya ganito katangkad.
"Ang laki mo na!" My lips were trembling when I pulled away from her. I stood up and measured her height through my body. "Hanggang balikat na kita, o!"
"Ikaw naman, ate, mas lalo kang gumanda."
Natawa nalang ako sa compliment ni Rance kahit na emotional pa rin ako kung hindi lang sumningit si Mama.
"Sa loob niyo na 'yan ipagpatuloy," aniya bago ako inakbayan at dinala papasok sa bahay.
Nung mga oras na 'yon na tumungtong akong muli sa glass house ng Madrigal ay halo-halo ang naramdaman kong emosyon. I just coudn't take time to recognize all those emotions because Rance was entertaining me the whole time. Sa sala kami nagkwentuhang dalawa habang si Mama naman ay abala sa pagluluto sa kusina. Marami siyang tanong sa akin tungkol sa kung saan ako nagpunta hanggang sa napunta ang usapan namin tungkol sa pag aaral niya.
"Kamusta naman ang pag-aaral?"
Rance giggled girlishly. "Ayos naman, ate. Top 4 ako sa class..."

BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...