[53] Adik Ka Ba?

73.7K 2.7K 550
                                    

[53] Adik Ka Ba?

Metch's POV

Click!

Nagrequest si Uno ng isang picture kasama ako na pinayagan ko naman. Adik naman ako sa selfie, yaan na. Anyway, hindi ako nagsisisi na sumama kay Uno ngayon dahil sa Blizzard na nilibre niya sa'kin. Oh men! Hindi ako mahilig sa matamis pero exceptional itong Kitkat Blizzard. Nakakatunaw tuloy ng sira kong mood ang sarap nito!

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong busy siya sa phone niya. Mukhang SNS-freak ang isang 'to. "Metch."

"Oh?" tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumisi siya sa akin saka niya pinakita ang cellphone niya sa akin. "Itatag sana kita pero hindi kita friend sa Facebook. Accept mo na ako ha?" Siniko niya pa ako. "Sige na. Ilalike ko lahat ng status at photos mo, promise."

"Baliw!" Alam kong biro niya lang iyon kaya hindi ko na sinakyan. Pero sige, dahil natuwa naman ako sa panlilibre niya sa akin ngayon ay tumango na ako. "Sige. Mamaya pag-uwi ko, iaaccept na kita."

"Yown! Thanks, bae." Sumubo siya sa Blizzard niya nang hindi naaalis ang tingin sa akin. "Metch?"

Ang kulit talaga ng isang 'to! Sumubo ulit ako ng isa bago siya tinignan. "Hmm?" Nakapwesto kami sa high stools habang magkaharapan. Gusto pa nga niya sana na kumain nalang nito habang namamasyal kaso tumanggi ako. Baka mapatagal pa kami, may susundo pa naman sa akin.

"Nakailang boyfriend ka na?" Pinagkunutan ko ng noo ang tanong niya. Inosenteng tinignan niya naman ako. Kung makatingin pa naman ay parang walang kamuwang-muwang sa mundong ibabaw. "Curious lang ako sa nililigawan ko. Don't get me wrong."

Nagkibit-balikat lang ako. "Dalawa."

"So, Wayne's your second?"

"Oo." Nawiwirduhan na ako sa mga tanong niya ah!

Narinig ko ang pagngisi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso lang siya na para bang nagpapacute sa akin sabay sabing, "So, I'll be your third and defintely your last." Aba't ang presko talaga!

"In your dreams, Unico Madrigal!"

Nakita kong naningkit ang mga mata niya bago siya tumagilid. Para bang may binulong siya sa sarili. Basta ang narinig ko lang ay ang malutong niyang, "Sh1t!"

"Hoy, minumura mo ba ako?"

Mabilis niyang iniling ang kanyang ulo. "Hindi ah. It's just that. . . can you please say my name once again?"

"Ha?"

"Basta sabihin mo lang ulit ang pangalan ko."

Sumubo muna ako ng isa sa Blizzard ko habang nakatingin sa kanyang titig sa akin. Geez! Malakas na ang saltik sa utak nito. "Uni...co Madri...gal?" inemphasize ko pa ang bawat syllable ng pangalan niya.

Natawa siya't ngumising muli. "Darn, Metch. Gustong-gusto kong naririnig mula sa bibig mo ang pangalan ko. Kapag naging tayo na, kahit bae ang tawag ko sayo ay pangalan ko nalang ang itawag mo sa akin."

Gusto kong mangisay sa kakornihan niya. Eew lang ha! Gwapo nga ang isang ito pero napaka-feelingero!

"Uno, may tanong ako sa'yo." Tumingin lang siya sa akin. Ngiting-ngiti ang mga mata. "Adik ka ba?"

"Of course not. Mukha lang akong adik sayo pero sa ibang bagay ay hindi," sabay kindat niya.

Napapailing nalang ako ng ulo at itinuon nalang ang atensyon ko sa kinakain ko. Hindi ko na dapat asahan na makakausap ko pa ng matino si Uno. Una sa lahat, hindi siya matino. Pangalawa, hindi siya magtitino. At pangatlo, never siyang nagtino.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon