[44] Go Out With Me
Chelsea's POV
Hindi tuloy mawala sa isip ko yung nangyari kanina or let me say, yung lalaking tumulong sa akin kanina. Naging interesado nalang kasi ako sa kanya bigla in terms of his identity. Ano kayang pangalan niya? Course? Pero hindi lang yun e. May kung anong parte sa isip ko na nakita ko na siya dati even before the incident at the mall where we shared the couple anklet.
Ang lakas na kutob ko na nagkita na kami noon pero ang tanong ay kung kailan at saan? Hindi ko lang talaga matandaan.
"Oy, na-trauma ka na ba?" Napakurap ako ng mga mata nang pumitik ng kanyang mga daliri si Metch sa harap ng mukha ko.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kawalan. Ang tahimik naman kasi sa clinic na 'to at oo, nasa clinic kami. Mapilit kasi si Metch na dalhin ako dito. Sobra ko nga siguro siyang pinag-alala.
"Ano ka ba, Metch. Ayos lang ako. Tara na," bababa na sana ako mula sa pagkakaupo sa cot nang humarang siya.
"Hep! Dito muna tayo, Chels. Malamig dito, may air-con. Mayamaya na tayo lumabas," sabi niya bago niya isinubsob ang mukha niya sa mga brasong nakatungkod sa cot.
Wala na akong nagawa kundi ang bumalik nalang ulit sa pagkakasandal sa headboard ng cot. Gusto ko na talagang umalis dahil kanina pa naman ako tapos sa pag-apply ng cold compress sa wrist ko. Sa totoo lang, wala naman talaga akong sugat na natamo mula sa nangyari kanina, at hindi ko lang namalayan ay may pasa ako sa wrist ko. Medyo violet pa nga ito at nananakit pa. Ang lakas pala ng pagkakahigit sa akin nung lalaki pero hindi ko naman siya masisisi dun dahil nakakabigla yung nangyari kanina.
"Kilala mo ba yung sumagip sayo kanina, Chels?" tanong sa akin ni Metch.
Iniling ko ang ulo ko. "Hindi."
"Hindi?" She gawked at me unbelievingly. "Akala ko kakilala mo. Grabe yung pagsigaw niya kay... oh wait, si Jacob ba yung muntik nang makasagasa sayo?"
I heaved out a sigh. Isa pa yang Jacob na yan na kung makasinghal sa akin kanina ay akala mo hindi naging kami. I can't believe I was once committed to him. "Si Jacob nga," I snorted.
"Ang kapal ng mukha niyang sigawan ka kanina, e siya na nga 'tong muntik nang makadisgrasya! Naku, Chels, kung hindi lang ako na-shock kanina sa nangyari sayo, baka nasugod ko na yun at sinabunutan e!" She said in gritted teeth na talagang gigil na gigil siya sa inis.
Imbes na makisabay ako sa inis niya ay natawa nalang ako. I don't know why. Siguro, unti-unti nang nawawala yung tension at takot sa dibdib ko dulot nang nangyari kanina. "Hayaan mo na nga yun si Jacob."
"Anong hayaan?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Hahayaan mo nalang ba yung sira-ulong yun? Sinigawan ka niya. Naku, kung ako sayo, hindi ko yun palalagpasin. Ang mahirap kasi sayo, ang bait-bait mo. Hindi dapat palaging ganyan. Kaya ka tinatrato ng ganun ng ex mong jerk!"
Tinignan ko lang si Metch matapos ng mahaba niyang litanya. It's ridiculous to think na mas affected pa ang bestfriend ko kaysa sa akin. "Metch, wala nang kami. Hayaan nalang natin siya. Kung magpapaapekto pa ako, ako lang yung talo. And besides, naka-move on na ako. Actually, wala nalang sa akin nung makita ko siya. As in, wala. Hindi ako affected. Kaya, Metch---" I tapped her top head and flashed a warm smile "--- get over it, will you?"
Saglit siyang tumitig sa akin pero mabilis din siyang nagbawi ng tingin at umiling ng mabilis. "No, kailangan malaman ni Wayne 'to."
Nagpanic ako nang ilabas niya yung phone niya mula sa bag niya kaya inagaw ko kaagad yun. "Huwag!"
"Uy, bakit? Akin na yang phone ko."
Tinago ko nga sa likod ko. Hindi pwedeng malaman ni Wayne ang tungkol dito. Basta. Hindi pwede. "Please, 'wag na dapat iparating kay Wayne ang tungkol dito, Metch."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...