[54] Thank You For This Day

80.6K 2.7K 379
                                    



[54] Thank You For This Day

Metch's POV

Nailang tuloy ako Uno dahil sa sinabi niya sa akin kanina sa DQ. Dapat pala ay hindi ko na hamunin ulit ng seryosong usapan ang lalaking ito. Hindi ako kumportable. Parang ibang tao ang kausap ko. Hayyy! To be honest, mas kumportable pa akong kausap ang jolly side niya.

Naglalakad kami side by side ni Uno. Sa dami ng taong nakakasalubong namin ay bumabangga pa ang braso ko sa braso niya. AH! Parang ewan naman akong lumalayo agad na parang napapaso sa balat niya. Nagpabagal ako ng lakad at pinagmasdan ang likod niya. Dang! Parang inukit ang katawan niya. Matangkad na nga siya pero may porma ang katawan. Malapad ang balikat at medyo maliit ang waist. Hala ka, para siyang model. Iniisip ko pa lang na may gusto ang lalaking ito sa akin ay nahihiya na ako. Nakakahiya kaya! Paano siya nagkagusto sa akin e gwapo-gwapo niya?

"Metch?" Napakurap ako nang tawagin niya ako. Humarap siya sa akin na may pagtataka sa mukha. "Uy, ayos ka lang?"

Ngumiti ako ng pilit. "Ah, oo." AAAAAAH! Na-realize ko ngayon-ngayon lang na ang kapal ng mukha kong bara-barahin ang isang 'to. Sa kisig niyang yan, babara-barahin lang ng katulad kong one-of-those-girls? Err.

"E ba't nandyan ka sa likod ko? Tara nga dito sa tabi ko. Para tuloy akong walang kasama," sabi niya at hinila ang palapulsuhan ko para makatabi ko siya.

At ngayon ay naglalakad na kami ng magkatabi. Nanliliit tuloy ako sa kanya. Nakakahiya kaya siyang katabi! Para akong nagiging basahan sa tabi niya. In summary of my monologue, he's so intimidating!

"Crap! Wala nga pala akong dalang kotse, Metch." Pakamot-kamot siya sa batok ng sinabi niya yun. Huminto kami sa rails at dumungaw sa ibaba. "Uy, skating rink. Gusto mo i-try natin?"

Skating rink. . . Oh men.

"'Wag na. May susundo pala sa akin," sabi ko at saka ko inilibot ang paningin ko sa ibaba. Sa skating rink kasi kami magkikita ni Sheen ayon sa kanya.

"Sinong susundo sayo?"

"Ako, Pre."

Namilog ang mga mata ko sa narinig kong malamig na boses. Pagkalingon ko ay nakita ko ang seryosong mukha ni Sheen. Why do I have this weird feeling na mainit ang ulo niya? And then something hit me. Naalala ko yung nangyari noong sabay nila akong sinundo sa bahay. Oo nga pala! Nagkainitan na ag dalawang ito noon.

Umatras ako sa tabi ni Sheen at saka ko nginitian si Uno. "Uno, mauuna na kami ha? Salamat sa treat." Ginalaw-galaw ko pa ang kilay ko nun bago ko siniko si Sheen. "Tara na."

Paalis na sana kami nun nang tawagin ako ni Uno. "Metch." Lumingon naman ako kaagad. "Salamat din. Let's do this again next time, alright?"

Napakagat nalang ako sa labi at ngumiti. Naramdaman kong naiiwanan na ako ni Sheen kaya hinabol ko siya't nakisabay. Walang umiimik sa amin nang makarating kami sa parking lot. Basta ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's side bago siya sumakay at pinaandar ang kotse paalis.

Awkward silence.

Ano ba 'to! Bakit ba ang nakakailang ang katahimikan? Sumusulyap ako kay Sheen paminsan-minsan. Napansin kong nakakunot ang noo niya habang nagdadrive. Nilabas ko nalang ang phone ko at nag-browse sa Facebook para naman malibang ako.

Napangiti ako sa sarili nang mapansin nangunguna na naman ang friend request ni 'Unico Madrigal' sa pending requests. Marahil ay kinancel niya iyon at in-add ulit ako para magpapansin. Syempre, as what I've said earlier ay in-accept ko na agad ang FR niya.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon