[28] Accusation

69.4K 2.7K 239
                                    

[28] Accusation


Chelsea's POV


"Ate, ngayon ba tayo bibili ng gamit ko sa school?"

Kumakain kami ngayon ng breakfast ni Rance. Buti nalang maganda ang gising niya kahit natulog siyang umiiyak kagabi. "Oo, gusto mong sumama?"

Nagtaka ako nang umiling siya. Usually kasi, gusto niyang sumasama sa akin sa mall. Si 'bilmoko' girl kasi ang kapatid ko. 'Bili mo ko, nyan. Bili mo ko nito, Ate' ang drama niya palagi. Nakakasimot tuloy ng pera kasama ang kapatid ko.

"Bakit ayaw mong sumama?"

"Darating si Wesley. Nagpapaturo siya sa akin mag-piano," sabay ngiti niya. Ginulo ko ang buhok niya bago ako kumain. Buti pa ang mga batang 'to, walang problema sa buhay. Puro laro lang ang inaatupag.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama? Aalis na ako mayamaya," paninigurado ko.

Ngumiti siya ng malaki at mabilis na umiling. "Pasalubong nalang, Ate!"


Naligo agad ako at nagbihis pagkatapos kumain. Sa totoo lang, feeling ko, mashoshort ang pera ko para sa school stuff ni Rance. Bibili pa ako ng gamit ko. Two thousand pesos lang ang dala ko.

"Saan po tayo, Ma'am Chelsea?" tanong ng driver. Nakaupo ako sa backseat ng kotse. Nagdadalawang isip ako kung saan ako pupunta. Kay Wayne ba o diretso na sa mall? Sabi naman kasi ni Mama, si Wayne daw ang lapitan ko kapag may kailangan ako. Wala naman siya sa bahay. Haaayyy... Anong gagawin ko?

"Ma'am?"

"Wait lang po."

I randomly scroll through my phone's inbox. Nadako yung tingin ko sa thread namin ni Wayne pati na rin kay Metch. Nahihiya pa naman ako kay Wayne ngayon. Mas lalong nakakahiya kung pupuntahan ko siya sa condo para lang humiram ng pera. Eh kung kay Metch nalang kaya? Tama. Babayaran ko nalang pagdating ni Mama.

"Kuya, kina Metch nalang po."

After almost an hour, nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Metch. At dahil suki naman ako dati dito, dire-diretso ako sa loob ng bahay nila na pinagsisihan ko naman agad dahil wrong timing ako. I caught her up with Wayne who's now strumming a guitar.

"Uy, Chels!" Si Metch ang unang nakapansin sa akin.

Pinilit kong ngumiti kahit hindi ko feel na ngumiti. Halatang nagkagulatan kami ni Wayne nang magtama ang paningin namin. "Uh, sorry. Naabala ko ba kayo?"

That wasn't the question I wanted to ask. Gusto ko sanang tanungin kung anong ginagawa ni Wayne dito pero ba't ko naman itatanong 'yon diba?

"Nah, tinuturuan kasi ako ni Wayne mag-gitara e," sabi ni Metch tapos ngumiti lang si Wayne which is weird dahil natural siyang madaldal. Dapat kakausapin niya na ako pero bakit ngayon hindi?

"Ah, ganon ba?"

"Oo, tara upo ka dito." Umupo ako sa tabi ni Metch at pinanuod sila. Nagkakatuwaan pa silang dalawa na parang wala ako sa paningin nila. Geez, hindi na sana ako nagpunta dito kung ganito rin naman pala ang aabutan ko.

"Wait lang ha! Kukuha ako ng juice," Metch said before she disappeared into the kitchen. And now, we're both alone here. Hindi ko alam pero unusual ang pagiging tahimik lalo na't kapag kasama si Wayne. Hindi ako sanay.

"Mmm..." Tumikhim ako. Hindi niya ako tinignan man lang. Focus siya sa pag-i-strum sa gitara.

Nakakafrustrate naman 'to! May problema ba? Wala naman e. Nakakainis. Nakakaasar. Teka, ba't ba ako masyadong apektado? Nababaliw na yata ako sa naiisip ko.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon