[30] Before The Night Ends

78.1K 2.8K 441
                                    

[30] Before The Night Ends


Chelsea's POV


He planted a kiss on my right cheek. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya sa pisngi ko. I was panting real hard, trying to catch my own breath. Para akong nabato sa puwesto ko. Gusto ko siyang itulak pero hindi ako makagalaw.

I heard him sigh before he pulled away. Pagmulat ko, nakita kong bumalik siya sa kanina niyang posisyon. His eyes close and his arm was placed over his forehead. Napalunok ako. Pakiramdam ko, natuyuan na ako ng lalamunan kaya tumayo na ako. Feeling ko, para rin akong nasosuffocate. Kailangan kong huminga. Hindi ako kumportable sa nararamdaman ko ngayon. I felt like my heart is punching me from inside as if wanting to get out off me and I hate this feeling.

"N...nasaan ang bathroom?" were the words that came out of my mouth. Thank God, he didn't open his eyes as he answered me kundi magliliyab ako sa pagkailang kapag tinignan niya ako. "Pumasok ka sa kitchen. May black door dyan, iyon na 'yon."

Nanginginig ang mga tuhod ko nang makapunta ako sa banyo. I shut the door close as I laid my back against the door. Bumuga ako sa hangin at pumikit ng mariin. Now, what was that?

Pinakiramdaman ko ang ang kabog ng dibdib ko. Nakakainis! Hanggang ngayon kasi ay nagwawala pa rin ito. I fisted my shirt as if to control my heart to beat crazily. Pero hindi, kahit anong buga ko ay hindi ko kayang pakalmahin ito.

"Mali 'to, Chelsea. Mali 'to... Ano ba," I told myself as I shut my eyes close. Naalala ko ang halik niya sa pisngi ko. I felt it numb, and really, why do I give a thing about it? Wala lang naman 'to. It's just a simple peck on the cheek pero...

"Ugh, ano ba..." Para na akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko out of frustration. I even washed my face just to wake myself up from this chaos. Hindi pwede 'to. Napakalaking mali ito sa pagitan namin.

I dried my face up with a towel that I got from the tub before I took a deep breath. Paglabas ko ng banyo, napalunok ako nang makita si Wayne na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Tara, kain muna tayo," alok niya. Lumabas ako ng banyo. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi na ako pwedeng magtagal dito. Pakiramdam ko, kapag nag-stay pa ako dito ng ilang minuto, aatakihin na ako sa puso. I know, I'm just overreacting but I really can hardly breath anymore around him.

"W-Wayne, uuwi na ako."

Hindi niya ako pinakinggan. Naupo siya sa high stool saka niya ako tinignan. He then, pointed at the high stool just infront of him. "Kumain muna tayo. Promise, ihahatid kita sa inyo pagkatapos."

And so, I did what I was told. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. How could I look at him in the eye after the confession he made earlier? Matino na siya, Chelsea. Hindi na siya lasing.

"In-oven ko lang. Hindi na ako nagluto kasi matatagalan pa," seryosong sabi niya tapos pinag-serve niya ako ng pizza. "Nag-pizza na pala tayo kanina, ano? 'Yaan mo na. Pupurgahin kita sa Pizza," he said with a chuckle.

Nakatingin lang ako sa kanya. I took the chance to look at him because he wasn't eyeing me. Napapansin ko, hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso. trying hard siya sa pag-aktong walang nangyari kanina.

"Kain ka na."

Wala akong ganang kumain pero kumuha pa rin ako ng pizza at saka kumagat dito. I saw him taking glances at me and I awkwardly looked down to avoid his gaze. Narinig ko siya tumawa ng mahina. Paano pa siya nakakatawa sa ganitong sitwasyon?

"Ito yung ayaw kong mangyari e. Maiilang ka na sa akin. Peste naman kasi e, dapat 'di ko na inamin," inis na sabi niya.

Napalunok ako. Here goes my heartbeat again. "K...kailan pa?" I wanted to know. Inamin na rin naman niya, might as well, ask him things.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon