[39] Peste

69.7K 2.6K 550
                                    

39. Peste


Metch's POV


"Ano ba! Bitawan mo nga ako! FC ka ah!" Ang kapal ng lalaki na 'to para hatak-hatakin nalang ako kung saan. Sinubukan kong magpumiglas mula sa pagkakahawak niya sa wrist ko pero hindi ako makawala.

"Hindi mo ba ako bibitawan?!"

Hindi niya ako sinagot. Basta nakangisi lang ang walangya habang hinahatak ako. Nabasa ko na ang ganitong eksena sa Wattpad e. Kadalasan nga lang, campus hearthrob ang gumagawa nun unlike sa lokong 'to. Real talk: Baka pervert siya! Iba ang realidad sa mga nobela.

Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't kinagat ko siya sa braso. "Ah! Sh1t!" Finally, napahinto kami sa paglalakad at bumitaw din siya sa wrist ko. "Ba't ka nangangagat? Ang sakit nun ah," sabay himas sa braso niyang kinagat ko. In all fairness, matigas yung biceps niya ah. Ehem.

Hingang malalim, Metch. Kumalma ka. . .

"Eh, baliw ka pala eh! Ikaw nga dyan bigla nalang nanghahatak. Alam mo yung stimuli at response? Nagbigay ka ng dahilan kaya ako gumaganti!"

Imbes na sumagot, nakatingin lang siya sa akin na para bang amused na amused sa akin. Kasi naman, pangisi-ngisi lang siya. Naku! Pigilan niyo ako't masasapak ko 'to!

"Pangisi-ngisi ka dyan? Ang kapal din ng mukha mo para kaladkarin ako rito, 'no? So, ikaw pala yung 9th guy sa listahan ni Chelsea. Wow, ha! Hindi ako papayag na mag-get along kayong dalawa. No. . . Just no," sabi ko na medyo nakasimangot pa.

Hinintay ko siyang sumagot pero nakatitig lang talaga siya sa akin. Ang creepy na nga e! His smirk actually turned into a smile. Napalunok tuloy ako. Medyo kinabahan rin. Ugh, basta na-tense ako. Nahiya, maybe?

"K-kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako," pagtataray ko at tumalikod na para umalis nang bigla siyang magsalita.

"You know what, I like you."

Natigilan ako't nanlaki ang mga mata. Ano raw? Teka, nabingi yata ako saglit.

Before I knew it, nasa harapan ko na pala siya. Walang kibo. Basta nakangiti lang sa akin. Emegesh, ang creepy niya! Ano ba 'yan. Naka-high ba 'to?

Naningkit tuloy ang mga mata ko. Na-i-stress ako sa presence niya. "WHAT? Like agad? Baliw ka ba?"

Tumawa lang siya ng mahina dahilan para ma-expose ang mapuputi niyang ngipin. Muntik na akong masilaw dun. Wait. . . Maghunus-dili ka, Metch Audrey.

"Gusto ko kasi 'yung nagtataray ng ganyan. Para kang leon na papaanuin ng isang among katulad ko," he said, folding his arms across his chest as though giving me a challenge.

Napa- "What?" tuloy ako.

"Ako nga pala si Unico Madrigal. Uno nalang. BSA student," sabi niya sabay kuha sa kamay ko for a handshake. Nagulat tuloy ako. "Ikaw si. . ."

Sinamaan ko naman siya ng tingin sabay bawi sa kamay ko. "Ewan ko sa'yo. Lubayan mo ako. Hindi tayo close."

"Kaya nga nakikipagkilala para maging magkaibigan tayo. At kapag naging magkaibigan tayo, magiging close tayo at kapag naging close na tayo, liligawan na kita."

Aba! Advance mag-isip ang isang 'to. Inirapan ko nalang siya. "At kapag niligawan mo ako, babastedin kita. . . wala kasing forever!" Nalukot naman ang mukha niya pero natawa din. Hindi yata marunong magalit ang isang 'to!

"At kapag binasted mo ako, liligawan ulit kita."

"May boyfriend ako!" singhal ko. Nakakairita na siya!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon