[87] Package
Chelsea's POV
From: Wayne
Good morning :)
For the nth of this day ay napairap nalang ako sa kawalan at pagkatapos ay ipinakita ko sa camera ang phone ko particularly yung text message ni Wayne sa akin.
"Metch, nagtext na naman siya."
"O, nireply mo?"
"Hindi."
"Good. Keep it up."
Kausap ko si Metch ngayon via Skype. Umagang umaga ay kinontact ko siya dahil napapraning na ako sa consistency ni Wayne sa pagtetext sa akin ng 'Good morning' every morning and 'Goodnight' before I go to bed. I know other people would say I'm just being OA but I'm not, okay? Paano ba naman ako hindi maloloka kung halos tatlong linggo niya ng ginagawa ito?
Oo, three weeks na. Three weeks na nang makauwi ako sa Bohol galing ng Maynila. I must say back to normal na ako except for the part na sa tuwing gigising ako sa umaga at bago matulog sa gabi ay text agad ni Wayne ang bumubungad sa akin.
I frowned at Metch on the screen, the worry line on my forehead visibly deepening. "Metch, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ganito si Wayne? Look, hindi normal 'to e." Hindi talaga normal ito dahil ni isang beses sa tatlong linggong nakalipas ay hindi siya kailan man pumalpak sa pagtetext sa akin!
"I know right. Baka naman kasi nirereply-an mo kaya text ng text. Knowing you, Chels?" sabay iling pa niya ng ulo. "Aba, hindi talaga titigil yan. Makulit yan e!"
Suminghap ako sa paratang niya. "Of course not. 'Di ba nga sabi ko sa'yo, dalawang araw ko lang siya nireply-an? The rest, hindi ko nalang siya pinapansin."
Which is so true. Actually, hindi ko pa nga dinedelete yung mga texts niya sa akin but our thread went as this.
First day
Monday 7:12 am
Wayne: Good morning :)
Me: Morning too.
Wayne: Musta ang pag-uwi sa Bohol?
Me: Ayos naman.
Wayne: Lame mo magtext. Wala man lang emoticons. :(
Hindi na ako nagreply pagkatapos nun. Wala naman ako maisasagot sa sinabi niya e. At isa pa, busy na ako nun sa pag-prep up sa trabaho. Akala konga ay hanggang dun lang yun pero nagtext ulit siya kinagabihan.
Monday 9:12 pm
Wayne: Good evening, Chels. How was your day? :)
Me: It was a busy day.
Wayne: Sure it was. Ako, 'di mo tatanungin?
Me: Wayne, matutulog na ako.
Wayne: Goodnight then :)
And the cycle went on. Pangalawang araw nang ma-realize kong ang weird na niya. Hindi na talaga kasi normal yung pagtetext niya sa akin at mas naging weirder pa nang three straight weeks ay consistent na siyang ganyan. Take note! Hindi ko na talaga siya nirereply.
"'Wag mo nalang pansinin, Chels. Mapapagod din yan. Halata namang nagpapansin sa'yo dahil obviously, malayo na ulit kayo sa isa't-isa."
Pinanliitan ko siya ng mga mata sa screen. Ngumuso naman siya at uminom nalang sa kanyang kape. "And why would that be the reason? May girlfriend siya, Metch."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...