[37] Smack
Chelsea's POV
"Ayos naman si Sweetie. May nakain lang siyang masama kanina, pero napainom ko na siya ng gamot. She has to vomit it out para maging safe na."
Nakahinga na nang maluwag si Wayne pati na rin ako. Nadala kasi ako sa pag-aalala niya sa pusa. Sa totoo lang, ang cute niyang tignan habang hinahaplos niya ang balahibo ni Sweetie habang nakahiga ito sa cot dito sa veterinary clinic. Just imagine us rushing his cat here at 9:00pm. Para ngang buzzer beater ang nangyari kanina dahil naabutan na namin silang magsasara ng clinic at kung hindi pa nakiusap si Wayne, malamang hindi kami pagbibigyan ng doctor.
"May kailangan pa bang gawin, doc?" tanong ni Wayne.
"Watch what she's eating. Persian cat si Sweetie kaya medyo maselan siya sa pagkain. Is she eating a cat food or... human food?"
Wayne gawked at him. "Cat food, syempre. Three years ko na siyang alaga sa cat food," he replied, still carressing its fur. "Ikaw kasi si Sweetie. Pasaway ka. Kapag cat food, cat food lang dapat. 'Wag ka nang kumain ng kung ano-ano."
Nagkatinginan tuloy kami ng babaeng doktor at pasimpleng natawa nalang. Hindi naman sa nakakatawa si Wayne. Despite him being cool, hindi ko alam na may ganitong side din pala siya. It's just too... cute.
"Akala ko talaga, mamamatay na ang Sweetie ko," dagdag niya pa at bumuntong-hininga. "Salamat, doc," sabi niya at binalingan ako. "Tara na, Chelsea."
Sa pagmamadali namin kanina, hindi na kami nakapagbihis ng maayos ni Wayne. Kaya nakasuot lang kami ngayon ng simpleng pambahay. Ako? Shorts na hanggang tuhod at simpleng shirt lang. Si Wayne naman ay ganun din pero para sa akin, mukha pa rin siyang maporma. I don't know how he managed being like that. Nakakaintimidate tuloy tumabi.
Pasakay na sana kami nun sa kotse nang magsalita siya kaya tumigil ako. "Wait, Chels. Gusto mo munang kumain?"
Tumingin ako sa wrist watch ko. 9:35 pm na. Nag-dinner na kami at pero parang nagutom yata ako. "Sure, kaso wala akong dalang pera."
"Ako nang bahala."
Tumawid kami sa kalsada. May coffee shop pala dun. Nag-order si Wayne ng chocolate cake para sa aming dal'wa at frappe, at dun pumwesto sa labas kasi hindi raw pwedeng ipasok si Sweetie sa loob sabi nung crew. Uminit tuloy ang ulo ni Wayne.
"Akala mo naman magkakalat ng jackpot si Sweetie sa loob, eh behave naman 'tong alaga ko," sabi niya habang nakasimangot na hinahaplos ang katawan ng natutulog na si Sweetie.
Nakatingin lang tuloy ako sa kanila habang suimisipsip sa straw ng frappe ko. Nakakatuwa talaga silang tignan. "Kailan mo pa siya naging pet, Wayne?"
"Three years na rin."
"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa pusa."
Nagkibit-balikat siya habang nakatingin kay Sweetie. "Mahilig naman talaga ako sa hayop. Paminsan-minsan, mas maayos pa kasi silang kasama kaysa sa tao."
Medyo natahimik ako sa sinabi niya. Nagseryoso kasi bigla ang boses niya. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o mananahimik nalang, kaso nakakailang ang katahimikan.
"Uh, saan mo siya nabili?" I asked out of the blue.
Bumaling siya sa akin at bahagyang ngumuso. "Hindi ko siya binili. It was actually a gift from my ex three years ago."
Silence...
Kaya pala ganun nalang niya pahalagahan yung pusa. Nabalot na ng awkwardness ang paligid namin. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya. Na-guilty ako kasi parang lumungkot siya bigla. Chelsea naman! Tatanong-tanong ka pa kasi e.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...