[59] Matitiis Ba Kita?

81.7K 2.8K 950
                                    

[59] Matitiis Ba Kita?

CHELSEA'S POV

From: Wayne

Chels, wag ka na magalit. :(

Binalewala ko ang text na 'yon ni Wayne pero hindi ko pa nalalapag sa mesa ang phone ko ay bigla itong nag ring. Napanguso nalang ako. Consistent. 12 messages and 15 missed calls simula pa kanina mula sa kanya.

"Bakit ayaw mong sagutin?" Sa kalagitnaan ng pag aalmusal namin ay tinanong ako ni Metch. "War kayo?"

"Hindi. Medyo naiinis lang ako sa kanya kasi parang may tinatago siya sa akin."

Ngumiwi siya bago tumango bago sumubo ng pancake. "War nga. Ano bang nangyari? Makikinig ako."

Pupuntahan ko sana si Metch sa unit ni Uno pero dahil nakasalubong ko na siya sa labas ay hindi na ako tumuloy. May dala pa naman akong breakfast para sa aming dalawa na tinake out ko kanina from McDo na sana'y kakainin namin sa condo ni Uno. Anyway, we ended up eating the food I bought in the nearest branch. Kanina pa ako nagtataka kung bakit kagaya ko ay problemado rin si Metch pero hindi na muna ako nagtangkang magtanong. Mukha pa rin kasing badtrip din siya katulad ko. Ta-timing muna ako.

Nagkibit balikat ako at humigop sa kaka order ko lang na black coffee bago nagsalita. "Kagabi kasi bago umalis si Wayne ay nagsabi siya sa akin na uuwi siya before 9. Hinintay ko siya hanggang sa makatulog ako tapos nalaman ko nalang na madaling araw pala siya umuwi."

"Oh, bakit daw? Saan daw siya galing?"

Busangot akong tumingin sa labas. "Dyan dyan lang daw. Iniba agad ang usapan bago pa ako magtanong. Halatang nagsisinungaling."

OA ba kung sasabihin kong nakakasama iyon ng loob? Alam ko namang simpleng bagay lang iyon pero sana kahit simple lang iyon, magsabi pa rin naman sana siya ng totoo sa akin. Ano pa't girlfriend niya ako? Hayyy. . .

"Tingin mo, nagsisinungaling siya sa'yo?" Ngumiwi siya't tumango ako. "Tsk. Magpinsan nga ang dalawa. Mas malala nga lang 'tong isa," sabay buntong hininga niya.

Umayos ako ng upo at tinitigan siya ng puno ng kuryosidad. "Bakit? Ano bang nangyari? Kanina pa ako nagtataka kung ba't nagmamadali kang umalis sa condo ni Uno. May nangyari ba, Metch?"

"Oo, may nangyari talaga." Buong diin niya 'yong sinabi kaya napasinghap ako.

Tumikhim ako't lumunok. "Sa inyo?"

"Oo, sa amin. Sira ulo siya!"

Napasapo ako sa aking bibig. Nanliliit ang mga mata ko sa narinig. Geez! "Metch, bumigay ka?"

"Anong bumi-"

"O pinilit ka niya?" Napahampas ako sa mesa. I'm the one to blame for this. "Kasalanan ko 'to e. . . at syempre ni Wayne. Kung hindi ka niya kinonsensya sa kalagayan ni Uno, hindi ka mag-i-stay kasama siya."

"Ano bang pinagsasasabi mo-?"

"So, ano nang mangyayari? Gusto mo bang samahan kitang i report ito sa Women's Desk, Metch?" Naiiyak na ako sa kaba. "Shucks, paano kung may mabuo?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Mabilis niyang hinila ang kanyang upuan patabi sa akin para takpan ang bibig ko. "Maghunusdili ka ngang babaita ka. May nangyari sa amin pero hindi katulad ng iniisip mo. Relax, Chelsea Yuan!"

Tinanggal ko ang palad niya sa bibig ko at tinitigan siya sa mga mata. "Sure ka? Magsabi ka ng totoo, Metch." I wanna see it through her eyes whether she's telling the truth or not.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon