[40] Bahala Sila
Metch's POV
Kakatapos lang namin sa ZHI 112 class ni Chelsea kaya medyo tulala kami pagkalabas ng classroom. Nakakaantok kasi yung subject na yun. . . I mean, yung prof rather. Interesting naman pag-usapan ang buhay ni Rizal, ang boring lang talaga nung prof.
"May assignment ka na sa Events Management?" tanong sa akin ni Chelsea habang naglalakad kami sa corridor. OMG, bukas na pala ang meeting dun, wala pa ako nagagawa. Pinagpapabukas-bukas ko kasi!
"Wala pa e."
Nagkibit-balikat lang siya habang naglalakad na yakap-yakap yung folder na dala niya. Ayan na naman tayo sa pangiti-ngiti ni Chelsea. Nahihiwagaan na tuloy ako sa kanya. "Chelsea--" tawag ko sa kanya kaya tumingin naman siya sa akin. "-- may nangyari ba sa'yo lately?"
"Nangyari?" Nagtaka siya. "Wala naman. Bakit?"
Umiling lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya tatanungin kung ba't may kakaiba sa kanya. Bilang bestfriend, syempre nava-vibes ko yun.
Palabas na kami nun sa building nang bigla siyang nagsalita. Nakatingin pa nga siya sa open field. "Metch, may nakita akong lalaki dun kahapon. Ang perfect ng image niya. Sayang, hindi ko na-capture."
Napangiti tuloy ako. Ang random kasi ng sinabi niya. "O, gwapo ba?"
"Huh? Pinagsasabi mo dyan?" Natatawang sabi niya. Medyo ang bagal ng lakad namin. Palibhasa, wala na kaming susunod na klase. "Ano lang. . . May something sa kanya na pamilyar. Parang nakita ko na yung figure niya dati. Ewan ko."
"Baka ex mo?" hinala ko.
Para naman siyang nagulat sa sinabi ko. "Sinong ex? Hindi 'no. Wala akong naging ex na ganun ang figure."
"O baka si Wayne?"
Umiling agad siya ng ulo. "Hindi e. Magkasama kami kahapon," sabay hinga ng malalim. "Tama na nga. Bakit ko nga ba iniisip yung shadow na yun," she said with a chuckle. Ano ba yan, pati tuloy ako na-curious sa mysterious shadow na sinasabi niya.
"Oo nga. Weird mo, Chels ah."
Huminto kami sa may bakanteng bench at dun ako naupo. Tinabihan din naman ako ni Chelsea dun. Ang ganda kasi ng weather ngayon. Hindi masyadong mainit, katamtaman lang.
"Anyway, Metch, hindi ko ma-gets yung nangyari kahapon sa cafeteria." Napakagat labi nalang ako sa sinabi ni Chels. Syempre, macucurious siya. Naku, paano ko ba ieexplain 'to? "Magkakilala kayo ni Uno?"
"Hindi kami magkakilala ng peste na yun. FC lang talaga siya," I rolled my eyes in irritation. Just a mere mention of his name makes my blood boil in annoyance.
"E ba't ka niya hinila kahapon?"
"Napagtrip-an niya kasi ako dati," I said through gritted teeth. Hindi naman halatang inis ako sa kanya 'no?
Ngumiti naman siya nang nakakaloko habang nakatitig sa akin na para bang ini-scrutinize ako. "Kung ano man ang meron sa inyo, masasabi kong ang cute niyong dalawa, pero Metch---" sumeryoso ang mukha niya "-- pinsan siya ng boyfriend mo."
Natigilan ako. Hindi dahil nalaman kong pinsan siya ni Wayne kundi dahil pinaalala niyang dyowa ko nga pala si Wayne. Nakakaloka naman 'to. Boyfriend ko nga pala si Wayne. Para kasing hindi. Just imagine, one week straight kaming hindi nagkikita. Puro text, chat o tweet lang.
Apparently, this relationship is not really a good idea.
"Nasaan pala si Wayne?" pag-iiba ko ng topic. Naiirita lang ako kapag si Uno ang pinag-uusapan namin. Isa siyang pambansang FC.

BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...