[49] Five Random Signs
Chelsea's POV
"Good morning, Sir. Sorry po, traffic."
Nakakapagtaka lang na late ngayon si Metch. Halos kalahating oras na siyang late sa klase namin ngayon. Usually, ang pinakamatagal niyang minuto na pagiging late ay 5 minutes lang. Anong meron ngayon?
Nakita kong tinanguan lang siya ng Prof namin bilang reply sa pagbati niya bago ito bumalik ulit sa pagsusulat ng lecture namin sa white board. Then, Metch lingered her eyes around the four corners of our classroom. Mukhang hinahanap ako. Kaya naman hinuli ko ang tingin niya bago ko siya sinenyasan na maupo sa tabi ko. Pinag-reserve ko na siya ng upuan kahit na naisip ko na kanina na baka absent siya ngayon.
"Akala ko, absent ka na. Ang tagal mong late," bulong ko sa kanya habang kinukuha ko yung bag ko na nakalagay sa pinag-reserve kong upuan para sa kanya.
Umupo muna siya bago nag-inhale at exhale bago ako sinagot. Hinihingal pa nga siya e. Mukhang tinakbo niya mula entrance hanggang dito sa room namin. Take note, nasa 4th floor pa kami.
"Mahabang kwento, Chelsea. May mga panira kasi ng araw," sabi niya at saka siya naglabas na ng binder.
Natapos nang magsulat si Sir sa white board pero hindi pa rin ako tapos. Masyado kasing mahaba. Nakakatamad kumopya. "Okay, class. I need to go to the faculty meeting for a while. Pagkatapos niyong kopyahin ang lecture, gawin niyo 'tong iniwan kong activity para sa inyo. Kay Miss Cruz niyo nalang ipasa kapag natapos na kayo."
"Yes, sir~"
Napatitig ako sa sinulat ni Sir na activity sa white board. Buti nalang at simpleng outline lang ng lesson namin ang pinapagawa. Sanay na ako dyan. Nung nag-aral ako sa State U, ganyan lagi ang pinapagawa sa amin ng English Lit prof namin. So, ayun, kumuha na agad ako ng yellow paper at sinimulan na yun kaso kinuha ni Metch yung binder ko. Napanguso tuloy ako.
"Metch, gagawa na ako ng outline. Dyan ko ibabase yung gawa ko sa lecture."
"Tapos ka na ba? Pakopya nalang. Ay, huwag nalang pala, pipikturan ko nalang yung board. Saglit lang." Tumayo na siya at nagpunta ng harapan para kuhanan ng picture yung board. Napapailing nalang tuloy ako sa kanya. Tamad talaga magsulat.
Pagkabalik niya, binigyan ko na agad siya ng yellow paper, signal na simulan na namin yug activity para makaalis na kami. "Ano ba kasing nangyari, Metch? Para ang hype ng mood mo. . . well, in a negative way," tanong ko sa kanya habang nagsusulat. Multi-tasking lang.
"Ito na nga, Chelsea," sumulyap siya sa akin bago bumaling ulit pabalik sa phone niya habang nagsusulat. "Nangyari na ang ikinakabahala ko."
"Alin yun?"
"Yung sabay na panliligaw sa akin nina Uno at Sheen!" Napalakas nalang bigla ang boses ni Metch kaya nakuha namin ang atensyon ng ilan naming kaklase. Nag-bow nalang tuloy ako for apology sa kanila bago siniko ang hyper na si Metch.
"Pakihinaan naman, Metch. Gusto mo bang i-broadcast 'yang problema mo?"
Inihilamos niya nalang yung palad niya sa mukha niya na para bang frustrated na frustrated siya. At pagkatapos ay iilapag nalang ang pen niya bago sumandal sa upuan. "Namomroblema na talaga ako sa dalawang lalaking 'yun. Ang titigas ng ulo. Tsk. Nasaan na ba kasi si Wayne?" iritableng sabi niya na medyo malakas pa rin ang boses. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin dahil sa boses ni Metch kaya hinila ko na siya palabas ng classroom namin at dumiretso dun sa corridor at dun naupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...