[52] Sabwatan

75.1K 2.6K 156
                                    

[52] Sabwatan

Metch's POV

"Saan tayo?" Ngumiwi ako sa tanong ni Wayne. Sa MOA niya kami dinalang tatlo nina Chelsea at. . . ehem, Uno pero wala pa pala siyang specific restaurant in his mind.

"Dapat dumiretso nalang ako sa bahay," bulong ko sa sarili at nagkunwaring tumingin sa phone ko. Kanina pa kami palakad-lakad. Nagugutom na nga ako e. Hayy!

Napaatras ako ng hakbang nang may humarang na mukha sa cellphone ko. "Ano yun, Bae? May sinasabi ka?"

Tinulak ko nga siya. "FC talaga 'to!" Nakakaasar lalo nang tumawa siya. Wala yatang ibang laman ang utak nito kundi ang mang-asar. Jusme!

"Oy, nag-aaway na naman kayo dyan," sita ni Wayne. Katabi niya si Chelsea, pero halatang hindi kumportable ang bestfriend ko sa kanya. I've known her for years and I know how she behaves when she's uncomfortable. "Saan mo ba gustong kumain, Chels?"

"Uh, kahit saan nalang."

May umakbay naman sa balikat ko. Napapikit nalang ako sa irita. Kalma, Metch. Kalma. "Ikaw, bae? Saan mo gustong kumain?"

"Kung saan wala ka!" sabay irap ko. Asar!

Tinawanan lang naman niya ako kaya mas lalo trumiple ang pagkahighblood ko sa kanya. "Ang cute mo talagang maasar. Yan ang gusto ko sayo e," at saka pa niya pinisil ang pisngi ko.

"Siguro dito nalang tayo kumain. Kanina pa tayo palakad-lakad e," suggest ni Chelsea habang nakatingin sa kaharap naming eat-all-you-can restaurant. Hmm, not bad. Nagugutom na rin naman ako.

"What do you think, Uno? Metch?"

Kumawala ako sa akbay ni Uno at humawak ako si braso ni Chelsea. "Dyan nalang."

Humanap agad kami ng pwesto sa loob ng restaurant. Walang masyadong tao dahil siguro miryenda. Well, wala akong care. Basta gutom ako. At saka, gusto ko na ring makauwi. Nakakailang gumala nang naka-uniform at isa pa. . . kanina pa vibrate ng vibrate ang phone ko. Kinukulit na ako ni Sheen.

Uno pulled a chair for me kaya kahit labag sa loob ko ay naupo ako dun. Mabilis siyang tumabi sa akin."Nakakatuwa talaga. Double date tayo ngayon," sabi ni Uno.

Umirap lang ulit ako. Si Chelsea naman ay ngumiwi lang at si Wayne ay napapailing nalang.

"Uno, nakakabawas pogi points ang pagiging redundant kaya...hmm," sabi ni Wayne habang umaaktong zinizipper ang bibig. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Uno. Para kasi siyang isang batang pinagalitan sa pagiging pasaway.

"Nakaka-turn off din yung pagiging presko mo," dagdag ko naman na nagpatawa ulit sa kanya.

"I can't help it. I like every reaction you show," he said and winked at me.

Nalukot ang mukha ko sa litanya niya. Isa siyang malaking example ng isang breezy boy. Pwede ba! Tumayo nalang ako at nilapag ang bag ko sa upuan. "Saan ka pupunta?" tanong ni Wayne.

"Kukuha na ako ng pagkain." At para makalayo kahit saglit sa lalaking yan! Hmp!

"Sama na ako sa'yo, Metch."

Sumama sa akin si Chelsea sa buffet table. At dahil walang masyadong tao ay malaya kaming nakapamili ng pagkain. Puro lutong pinoy ang nakahain sa table. Pulos mga pang-miryenda. Habang kumukuha ako ng pancit canton ay tumabi sa akin si Chelsea. Halata sa kanya na hindi niya gusto ang nangyayari.

"Chels, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. Nag-aalala tuloy ako. "Hindi kasi dapat ganito ang nangyayari," sabi niya. Ako na ang nag-serve ng Ginataang Bilo-bilo sa bowl niya. "Hidi porque't gusto niya ay yun ang mangyayari. Hindi talaga pwede, Metch."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon