Chelsea's POV
Siguro nga ay tama si Sheen tungkol sa conclusion niya kay Metch. Napaisip na rin ako e. Siguro unconsciouly siyang nagkakagusto kay Wayne at ang akala niya ay may gusto pa rin siya kay Sheen. So, nabaling ang pagkahanga niya kay Wayne, gano'n ba 'yon?
Hayy. Hindi e. Knowing Metch, kilalang kilala ko siya. Matagal na siyang may gusto kay Sheen. Hindi naman pwedeng basta-basta nabaling nalang sa iba ang pagkagusto niya ng ganoon kabilis.
"Tulungan na kita dyan." Naramdaman kong hinila ni Sheen yung nakasukbit na backpack mula sa likuran ko kaya agad ko siyang hinarap. May isa rin siyang dalang malaking backpack at guitar bag.
"Kaya ko pa."
"Baka nahihirapan ka na?"
Umiling ako tapos nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Kasalukuyan kaming pumapanhik sa bundok na ang tawag ay Tayak Hill. Hindi naman ganun kataasan yung bundok, hindi rin ganun kababa. Trekking yata ang tawag dito. Uh, ewan. Basta ang alam ko lang, mahaba-haba na rin yung nilalakad namin.
"Kaunting tiis nalang, Chels. Kapag nakarating na tayo dun sa itaas—-" tinuro ni Sheen yung nasa tuktok ng bundok. Huminga ako ng malalim. Medyo malayo pa kasi. "—- promise, masasabi mong worth it ang nilakad natin."
Unti-unting bumabagal ang lakad ko. Nararamdaman ko na yung sakit sa mga binti ko. Tinignan ko ulit kung gaano ba kataas ang aakyatin namin at napapikit nalang ako ng mariin ng mkita iyon.
"Ayos ka lang?"
Tumango ako at saka ko inilibot ang tingin sa paligid. Given the fact na maraming halaman at syempre puno, naghanap ako ng pwestong pupwedeng maupuan. Lumapit ako dun sa nakatumbang puno at dun naupo. Grabe. Hindi na ako uulit ng trekking. Nakakapagod!
"Tubig?"
Inalok ako ni Sheen ng tubig kaya tinanggap ko iyon at uminom. Tumabi siya sa akin habang tinitignan ako.
"Thanks," sabi ko pagkabalik ko sa kanya ng kanyang tumbler.
"Ang bagal naman nina Metch," sabi niya habang nakatingin dun sa dinaanan namin. Tanaw na tanaw dun ang bestfriend at step brother ko na enjoy na enjoy sa pagpanhik. Nagkakatuwaan pa ang dalawa na akala mo ay hindi napapagod. Para bang namamasyal lang sila sa park. Si Wayne pa nga ang may dala sa malaking back pack ni Metch.
I'm still wondering about those two. Kahit nga kanina over breakfast and lunch, kitang kita sa kanila ang closeness. Para na nga kaming hangin ni Sheen sa kanilang dalawa.
"Bagay sila, ano?"
Ewan ko ba pero kusang tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Sheen. Is he serious?
"O, ba't ganyan ka makatingin? Bagay naman talaga sila diba?"
Ngumisi nalang ako. "Nakita mo lang na magkasama, bagay na agad?"
Napatunghay ako sa kanya nung tumayo siya. Nakatanaw pa rin siya sa dalawa. "E tayo rin naman a? Lagi tayong magkasama. Have you ever thought that we look good together?"
Napamaang nalang ako sa kanya saka ko siya inikutan ng mga mata. There goes his annoying jokes again.
"Baliw."
"Seryoso ako. Hindi mo ba naisip 'yon? Na nandito ako. Kung saan saan ka pa kasi tumitingin. Nasa harap mo lang naman ako."
And I felt my face burn in embarrassment. Umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko 'to lulusutan. Mapagbiro naman si Sheen pero iba ang joke niya ngayon e.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...