[81] Miss Universe

74.3K 2.5K 1.1K
                                    


[81] Miss Universe

Chelsea's POV

"Ang ganda mo talaga, Chelsea..."

Kusa yatang umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. Hindi talaga ako sanay nang pinupuri. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi ba ng totoo o sadyang gusto lang talaga niyang i-boost ang self-esteem ko.

Mahinang tinawanan ko lang ang bola ni Cita at pabirong inirapan siya sa salamin. Nagpapatirintas kasi ako sa kanya ng buhok ko. Mainit dito sa Bohol kaya madalas kong ipitan ang buhok ko.

"'Wag mo nga akong i-flatter masyado, Cita. Sige ka, baka maniwala ako nyan."

Natapos na yata siya sa pagtitirintas kaya ipinatong niya ang dalawa niyang palad sa magkabilang kong balikat. "Chelsea, hindi ko alam kung bakit ayaw mong maniwalang maganda ka," paismid na sabi niya at inayos ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa aking mukha. "Ang ganda-ganda mo kaya! Girl crush nga kita e!"

Tawang-tawa naman ako sa intensity ng pambobola niya sa akin. Itong si Cita ay kasing-edad ko lang. Mabilis ko siyang naka-close dahil sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay siya ang kasama ko dito sa bahay. Siya nga raw kasi ang personal maid/assistant ko. Pero syempre, hindi 'yon ang turing ko sa kanya. Naiilang nga ako sa tuwing tatawagin niya akong Ma'am, e magkasing-edad lang naman kami. Apat na buwan ko palang siyang nakakasama noon ay nalaman kong high school graduate lang siya. Hindi naman sa ina-underestimate ko ang pagiging HS Grad pero kasi itong si Cita, alam kong marami pang pangarap sa buhay. Gusto nga raw niyang maging teacher e. Kaya ayun, pinag-aral ko siya. Estudyante sa umaga, personal maid ko naman kapag free time niya. And guess what? Graduating na siya sa college ngayon.

Hinarap ko si Cita nang matapos na niyang ayusin ang buhok ko. Ngiting-ngiti pa ang loka. Kaya mas lalo tuloy akong nailang.

"Uy, 'wag ganyan. May hindi ka ba sinasabi sa akin, Cita?" I threw my teasing look at her. "Are you les—"

"Dili uy!" tanggi niya agad sa biro ko. Natawa nalang tuloy ako lalo sa reaksyon niya. "Seryoso na, Chelsea. Maganda ka nga! Ba't ayaw mong maniwala?"

"E kasi naman masyadong exaggerated yung pagkakasabi mo ng maganda ako." Lumabi pa ako at humarap sa salamin para pagmasdan ang aking sarili. "Wala namang espesyal sa akin. Ako pa rin ito. Si Chelsea Yuan."

Apat na taon na rin ang nakalipas nang tumira ako dito sa Bohol pero wala namang pagbabago sa itsura ko. Well, may minimal changes naman sa physique ko pero in terms of being me, let's say meron na nga. Masyado akong tutok sa business namin ngayon at wala nang time para sa sarili ko. Ganun lang siguro talaga kapag nagma-mature na.

"Ang nega mo!" Halos batukan niya ako sa sinabi ko pero syempre she knows her limitations naman. "Ang ganda mo nga. Kaya nga in love na in love sa'yo si Sir Jacob e."

Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Cita. All the while, lagi niya nalang akong tinutukso sa lalaking 'yon. Ewan ko ba sa kanya.

"Grabe na 'yan, ah. Magkaibigan lang kami," I defensively retorted.

"Sa'yo, magkaibigan lang. Malay mo naman kay Sir, 'di ba?" sabi niya sabay mahinang tapik sa braso ko. "Chelsea, atin-atin lang 'to. Paano kung ligawan ka na ni Sir Jacob, sasagutin—"

I quickly faced her with a frown before she could finish her words. "Tama na nga yan! Kung ako sa'yo, gawin mo na ang assignments mo."

She stifled a laugh. "Joke lang, Chelsea. Ito naman..."

"I know. Sige na. Gawin mo na yung dapat mong gawin. Ako nalang ang pupunta mag-isa sa resort," sabay ngiti ko sa kanya. Alam kong hell week sila ngayon sa University kaya bibigyan ko siya ng time para sa studies niya.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon