[46] What If?
Chelsea's POV
Tick tock tick.
Nakatulala lang ako sa wall clock habang nakahiga sa kama ko. Sunday ngayon at wala akong magawa. Nagawa ko na rin naman ang lahat ng assignments ko kahapon pa. Wala rin naman akong makukulit dahil nasa piano class si Rance. Idagdag pa ang mga kasambahay na nagsipag-day off. I'm home alone.
Napatingin ako sa phone na kanino ko pa pinaiikot sa kamay ko. Matawagan kaya ang bestfriend ko? Tama. Naiinip na talaga ako dito sa bahay. Gusto ko ng makakausap. Kaya naman hinahanap ko kaagad sa phone contacts ang pangalan ni Metch. Medyo matagal-tagal bago niya iyon sinagot.
"Hello, Chels?"
"Hi, Metch. May ginagawa ka ba? Naiinip kasi ako. Wala akong makausap."
Narinig kong unti-unting humina yung background music sa kabilang linya. Mukhang hininaan niya yata ng volume. "Tamang-tama. Bagot na bagot na rin ako dito sa bahay. Pupuntahan sana kita kaso binilin sa akin ni Mama na dito lang ako."
Napanguso nalang ako. Same situation. Hindi makaalis dahil walang taong maiiwan dito. "Ako rin e. Wala sina Mama."
"Saan nagpunta?"
"Sa piano class ni Rance. Si Tito naman, may business trip."
Tumikhim siya pero halatadong peke naman. "E yung magaling mong step-brother, nandyan ba?"
Automatikong napatingin ako sa pintuan which is an odd thing to do dahil hindi ko naman siya makikita dun dahil una, sarado iyon at pangalawa, two days na siyang hindi umuuwi dito. Simula iyon nang pumalpak ang 12th guy sa listahan. Ni hindi ko pa nga siya nakukwentuhan tungkol dun. Nasaan na naman kaya siya?
"Hey. Dyan ka pa ba?"
I snapped back from my deep thoughts when I heard Metch's voice. "Ah, oo. Wala si Wayne dito. Two days na ring hindi umuuwi."
"O, bakit?"
Huminga ako ng malalim. Ewan ko sa lalaking yun. Wala man lang pasabi kung uuwi o hindi. At heto naman daw ako, ineexpect siyang umuwi. Parang ewan lang. "Baka nasa condo niya yun."
"Tss. Nakakainis ha. Ilang araw ko na siya kinoncontact pero out-of-reach siya. Na-i-stress pa naman ako sa nangyayari ngayon."
Kumunot ang noo ko sa boses ni Metch. That's her usual tone whenever she gets stressed. "Problema sa acads?" I guessed.
"Hindi. Problema sa dalawang lalaki."
And then the conversation went on. She told me every bit about Uno and Sheen. Ni hindi nga ako makapaniwala na manliligaw kuno si Sheen sa kanya. Ano hangin naman ang umihip sa utak ni Sheen para gawin yun? Was he only tripping or just serious?
"Diba? Nakakaloka lang. Parang nung isang araw lang, sinabi niyang ayaw niya sa babaeng naghahabol sa kanya. Tapos ngayon, manliligaw nalang siya? May sapak ba siya sa utak?"
Hindi ko alam kung ba't ngingiti-ngiti ako habang pinapakinggan si Metch. Knowing her, for sure, may parte sa kanya na kinikilig sa sinabi ni Sheen.
"Natahimik ka dyan, Chels? Tulungan mo naman ako. MIA si Wayne e. Naturingan ko pa namang boyfriend ko." And then she mimicked a crying voice. Napailing nalang tuloy ako.
"Sa akin ka pa talaga humingi ng tulong. Alam mo namang tagilid ang love life ko. Buti ka nga dyan, dala-dal'wa ang nagkakagusto sayo. E sa akin? Kailangan pang i-set up sa 13 guys magka-love life lang." Hindi bitter yung boses ko. In fact, natatawa pa ako nang sabihin yun. Totoo naman kasi e. How ironic it has been. Sa akin pa na walang love life siya humihingi ng payo.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...