[21] Drunk

74K 3K 198
                                    

[21] Drunk


Chelsea's POV


"Lasing na siya." I am talking about Metch na kanina pa pasayaw-sayaw sa harapan namin. Sinubukan na namin siyang awatin pero hindi namin kaya. She's wasted. Nakakadalawang bote pa lang naman siya ng beer. Mahina siguro ang alcohol tolerance niya.

"Hayaan mo siya. Ginusto niya yan." Narinig kong sabi ni Wayne kaya sinimangutan ko siya. Ako na yung nahihiya sa pinaggagawa ng bestfriend ko. Sumasayaw siya, eh wala namang tugtog. Facepalm.

Hindi ko na natiis ang pagwawala niya kaya nilapitan ko na siya. "Metch, tama na 'yan. Lasing ka na."

"H-hindi! Hihi."

Sinubukan kong agawin ang boteng hawak-hawak niya pero masyado siyang malikot. "Metch, ano ba!"

"E-eh! Minsan lang 'to eeee!"

Nagsasayaw-sayaw pa siya dun at medyo lumayo sa akin. Tinignan ko ang reaksyon nila Wayne at Sheen pero nakapoker face lang sila.

"Wala ba kayong balak awatin si Metch?" Naiirita na talaga ako.

Tumayo si Sheen at saka niya inilapag ang hawak niyang bote sa lamesa. Buti nalang at nilapitan niya na si Metch. I watched him as he snatched the beer from her grip.

"S-Sheen naman e'! Akin na nga!"

Never pa kaming nag-inuman ni Metch kaya ngayon ko lang siyang nakitang nalasing ng ganyan. Napasapo nalang talaga ako sa noo ko dahil ako yung namomroblema sa lagay niya ngayon.

"Saan ang kwarto niya?" tanong ni Sheen sa akin habang sinusubukan niyang buhatin si Metch.

"Sa kwarto ko. 3rd floor. Unang pinto sa kaliwa."

Medyo nahirapan siya na buhatin si Metch dahil pumapalag pa ito pero in the end, nabuhat niya rin sa likod niya. Talaga kasing may tama na si Metch e.

Wayne walked towards me as we watched Sheen brought Metch inside the house. Wala ng ibang taong gising sa bahay namin kundi kami nalang kaya sobrang tahimik na.

"Tara," sabi ni Wayne sa akin at mukhang susundan yata sina Sheen. Hindi naman ako kumilos kaya nilingon niya ako. "Chelsea, sundan natin yung dalawa."

"Hindi pa ako inaantok. Nagugutom pa nga ako e," sabi ko at bumalik na sa mesa para dumampot ng nachos. Hindi ako uminom ng beer. Nakikipulutan lang ako.

Nabigla ako nang kunin niya ang right wrist ko. "Tumayo ka dyan. Sundan natin yung kaibigan mo."

"Kaya na nila 'yon."

Napa-'ah' ako nang sapilitan niya akong itinayo at hinila papasok sa bahay. Para siyang natataranta. Ano bang problema niya? "Wayne, kalma lang. Lasing ka na rin ba?"

"Hindi ako lasing," sabi niya. Paakyat na kami sa hagdan. "Pero yung dalawang kaibigan mo, oo. Hindi ka ba nag-aalala kay Metch? Lalaki si Sheen. Babae si Metch. Parehas silang lasing. Silang dalawa lang sa kwarto."

Unti-unting sumi-sink in sa isip ko ang gustong ipahiwatig sa akin ni Wayne. Shucks, oo nga 'no. May point siya, pero hindi rin... Mabait naman si Sheen. I've known him for o long. Hindi siya taking advantage.

"Gentleman si Sheen, 'no ka ba."

Binitawan niya ang kamay ko at nauna na dun palapit sa pinto ng kwarto ko. He even shushed me to shut me up. Ano'ng trip ni Wayne?

"Psst... Anong ginagawa mo dyan?"

Sinenyasan niya ako na lumapit habang nakadikit yung tenga niya sa pinto. Pinanlakihan ko nga siya ng mga mata. Invading of privacy yan!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon