[42] Behind Those Smiles
Chelsea's POV
"Ate Chelsea?"
Halos malaglag ang puso ko sa pagkagulat sa narinig kong boses mula sa itaas. Pagtingin ko, nakita ko ang reaksyon ni France na lalo pag nagpakaba sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Narinig niya ba ang sinabi ni Wayne?
"C-Chelsea--"
Mas lalo pang akong nataranta nang marinig ko ang pagbagsak ni Wayne mula sa likuran ko. Nagmamadali ko siyang inalalayan na tumayo.
"Chelsea, please?"
"Ate, anong nangyayari dito?" Naguguluhang tanong ni France habang nagmamadaling lumapit sa amin para makitulong sa pag-alalay kay Wayne.
"France, sobrang nalasing ang kuya mo e. Tulungan mo naman akong dalhin siya sa---" I trailed off when I heard Wayne gawk aloud.
Mabilis namin siyang inalalayan papunta sa kusina at dun siya idiniretso sa lababo.
"Acck!" He puked real hard. Hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko habang hinahaplos pababa at paakyat ang likod ni Wayne. Sa tingin palang sa akin ni France, alam kong may narinig siya.
Tinulungan ako ni France na iakyat si Wayne sa kwarto niya. Pabagsak namin siyang inihiga sa kama niya. Ako na rin ang nagvolunteer na kumuha ng tubig na may alcohol at bimpo. Pagkabalik ko sa kwarto ni Wayne, wala na si France duon.
Huminga muna ako ng malalim bago ako umupo at sinimulang ipunas ang bimpo sa mukha ni Wayne. Dahan-dahan at maingat ko yung ginawa.
"Chelsea---" pero nahinto ako nang hulihin niya ang kamay ko. Half-open ang mga mata niyang namumungay na sa sobrang kalasingan. "Hindi ba talaga pwede?"
Hindi ako sumagot. Ganito ba talaga siya kapag nalalasing? Hindi niya na ma-control ang mga sinasabi niya.
"Chelsea, please. Hindi dapat naging kami ni Metch. Ikaw dapat yun e."
Bumuga ako sa hangin at pilit na kumakawala sa kapit niya pero mahigpit iyon. Ni hindi ko alam kung dahil sa ininom niyang alak o sadyang malakas lang siya. "Wayne, please. Tumigil ka na. Baka marinig ka ni France."
"Wala akong pakielam! Shet naman, Chelsea. Ba't ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon?"
Napalunok ako. Nararamdaman ko na kasing parang may bumabara sa lalamunan ko. Pinilit kong bawiin ang kamay ko para ibaon dun ang mukha ko. Nahihirapan na rin ako kapag ganito si Wayne. Mali 'to e.
"Chelsea, please. Give me a chance."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si France na may dalang tasa. Hindi maipinta ang mukha niyang lumapit sa amin.
Inilapag niya saglit ang tasa sa bedside cabinet bago niya inalalayan na maupo si Wayne. Inalalayan niya ring makainom si Wayne ng mainit na kape.
"Ate Chelsea, pwede mo na kaming iwan. Ako nang bahala sa kanya."
Tumayo ako. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Nagdadalawang isip ako kung iiwan ko sila o hindi pero siguro tama ngang umalis nalang ako. "Salamat, France. Ikaw na ang bahala sa kuya mo ha?"
Palabas na sana ako nang kwarto no'n nang magsalita siya. "Ate," halos pabulong na tawag niya kaya naman nilingon ko siya. "You don't have to worry. Badaf lang akez pero hindi ako chismaker. It's a secret between us."
At dahil dun, nakahinga ako nang maluwag pagkalabas ko ng kwarto.
***
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...