#T13G
[57] Uwi Na
Chelsea's POV
Minsan napapaisip na rin ako kung may gusto na ba si Metch kay Uno. Hindi naman siguro imposible. Alam kong mabilis pero siguro there's something about Uno na kagusto-gusto na malamang ay siya lang ang nakakaalam. I leave it all to her anyway. It's about time na rin siguro para tumingin sa iba si Metch. For the past years, nagkagusto siya sa taong walang pakielam sa kanya. Though, hindi naman intented 'yon. Hayyy... Mabait din naman si Sheen e. And the table has turned now. May gusto na si Sheen sa kanya.
"Ano bang nangyari kay Uno? Lintek kasi 'tong lalaking 'to. Napakapasaway!" iritableng sabi ni Metch.
"Metch, I said I'm fine-"
"Inaapoy ka ng lagnat tapos sasabihin mong ayos ka lang?!"
Napangiwi nalang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Metch is obviously enraged. Hindi ko tuloy siya maintindihan kung ba't siya nagkakaganyan. Nagkatinginan lang kami ni Wayne. Umiling siya na para bang sinasabing 'your friend's gone crazy'.
"Lagnat lang naman 'to, Metch. Tao ako, isang mortal. Ang mga gwapong mortal na katulad ko ay nilalagnat din," patawa-tawang sagot ni Uno kahit nanghihina siya.
Magkasalubong ang kilay ni Metch nang tignan niya si Uno na nakahiga sa cot. "At talagang pumasok ka pa kahit may lagnat ka. May pasundo-sundo ka pa sa akin sa bahay. Pa'no kung bigla kang hinimatay habang nagda-drive ka?"
"Ayos nga lang ako. Kanina, medyo masakit palang yung ulo ko. Ngayon lang tumaas ang temperature ko. Just chill..."
"Chill-chill'in ko mukha mo e!"
Pumagitna na ako sa kanila. Natawa lang si Uno at si Metch naman ay umirap lang. "Para kayong bata. Ikaw naman, Metch. May lagnat na nga yung tao, daig mo pa ang nanay kung manermon," malumanay pero may bahid ng panenermon kong sabi sa kanila.
"Kaya nga. Masakit na nga ang ulo ko, pinapasakit mo pa ang puso ko," hirit ni Uno kaya umambang susugurin ito ni Metch. "H-hey! Haha!"
"Ewan ko sa'yo! Inaapoy ka na nga lagnat pero puno pa rin ng kapreskuhan ang utak mo."
Umikot si Wayne sa cot at tinabihan ako. "Hindi ko magets kung ba't nagagalit 'yang kaibigan mo sa pinsan ko," bulong niya sa akin tenga kaya nagkibit-balikat lang ako. Miski ako walang ideya. Ang weird lang talaga ni Metch. Bumaling siya sa dalawa pagkatapos. "Ayos na ba ang pakiramdam mo, Uno?"
"Medyo-"
Sumingit si Metch. Dinampi nito ang palad niya sa noo ni Uno kaya napaitlag ito sa gulat. "Hindi pa. Ang taas pa ng lagnat niya."
Kahit nanghihina ay nakuha pang humalakhak ni Uno. "Ayos nga lang ako, bae. Nandyan ka na e," sabay kindat pa.
"Sira ulo!"
Nagkatinginan tuloy kami ulit ni Uno. Hindi dahil sa pagkindat nito pero dahil nahuli ng mga mata namin ang pag-iwas ng tingin ni Metch sa kanya. I know that side of her very well. Tuwing umiiwas siya ng tingin, it could be either naiilang siya o 'di kaya'y kinikilig siya.
"Kunsabagay, Uno. 40 degrees Celsius pa raw ang lagnat mo. Ihahatid ka nalang namin sa bahay mo," sabi ni Wayne.
Medyo sumeryoso ang mukha ni Uno sa sinabi ni Wayne. "Bro, ayos lang ako. I can manage going home alone. Dala ko pa man din ang kotse ko."
Nag-'tsk' si Metch kaya bumaling kaming lahat sa kanya. "'Wag na kasing matigas ang ulo. Ihahatid ka na namin." At sasama pa talaga siya?
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomantizmX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...