[61] Edi Wow

75.6K 2.4K 738
                                    

[61] Edi Wow

Metch's POV

Napahikab nalang ako nang malakas habang nilalagay ang hinanda kong ham sandwich sa isang maliit na food container. Unfortunately, tinatamad akong pumasok ngayon pero wala akong ibang choice kundi pumasok ngayon dahil ilang araw mula ngayon ay magsisimula na ang finals. Kaunting tiis nalang, semestral break na. Wala na rin akong iisipin na school works pansamantala.

"Good morning, Metch."

Natigilan ako saglit sa narinig na masiglang boses mula sa likod ko. Hindi ko pa man siya nililingon ay sigurado na ako kung sino ito.

"Wow, ha. Feel at home lang ang peg. Bigla bigla ka nalang sumusulpot sa bahay namin." Nagtaas ako ng isang kilay. Tumawa naman siya ng marahan.

"Pinapasok kasi ako ni tita. Nag-breakfast ka na ba?"

Nilagay ko sa loob ng bag ko ang sandwich na hinanda ko. In case na magutom lang ako mamaya. "Oo. Paalis na rin ako."

"Hatid na kita."

Pasimple ko siyang tinignan. There's something different about him today. Nakakapanibago lang. "Gusto kong magcommute," tanggi ko.

Ngumiti siya, nadepina tuloy ang mga mata niya. Ugh, get a grip of youself, Metch. I have to admit na ang striking ng aura niya ngayong umaga.

"Edi magcommute tayo," aniya.

Umismid ako at nilagpasan siya. "Maglalakad nalang ako, actually."

"Okay, basta sasamahan kita."

Nasa sala na kami noon nang lingunin ko siya. Du'n lang nagrehistro sa isip ko na iba ang ayos ng buhok niya ngayon. Sa katunayan, may kulay na nga itong brown hindi kagaya noon na natural black lang. Emeghed. Bakit ang gwapo niya ngayon?

Bumalik ako sa huwisyo nang makita ang tingin niyang nag-aanticipate sa sasabihin ko, kaya naman ay inayos ko ang composure ko't tumikhim. "Bakit ang kulit mo ngayon, Sheen?" pagtataray ko.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagkibit balikat lang siya at nilagpasan ako. Dumiretso siya palabas ng bahay kaya sinundan ko siya. Naalarma ako nang makitang kakausapin niya si mama kaya nagmamadali akong lumapit.

"Tita, aalis na po kami," magalang na wika niya't tumango si mama habang nagdidilig. "Hahatid ko na po si Metch."

"Sige, Sheen. Ikaw na ang bahala sa anak ko." Aba, ba't parang pinapaubaya na ako ni mama sa lalaking yan?

Nilingon ako ni Sheen sabay ngumisi na para bang may kalokohang naisip. "Ihahatid ko po sana siya ng kotse ko kaso gusto niya raw pong maglakad."

"Maglalakad si Metch?" Pinatay ni mama ang hose at saka ako nilingon. Geez, beastmode na tuloy si mama. "Lalakarin mo mula dito hanggang E.H.U? Gusto mo bang abutin ng hapon bago makarating dun?"

"Hehe, magcocommute po talaga ako, Ma." Napakamot ako sa ulo ko.

"Sumabay ka nalang kay Sheen! Dun din naman ang pasok niya."

Bahagya akong sumimangot at pagkatapos ay nilapitan si mama para humalik. "'Di na po, Ma. Nakakahiya naman sa kanya," sabi ko habang ang mga mata ko ay nanlilisik kay Sheen. "Sige na po, Ma. Aalis na ako."

Kumaway ako kay Mama bago lumabas ng gate. Hinabol naman ako ni Sheen pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tinubuan ng hiya at pagkailang sa kanya ngayong umaga. Pakiramdam ko, parang nagwawala ang mga paro-paro sa tiyan ko. Oh, my gosh. Masama 'to! Kilalang kilala ko ang pakiramdam na ito. Huhu.

"Metch, ayaw mo talagang sumabay sa akin sa kotse? Mas mapapadali lang ang byahe mo. Baka matraffic ka."

Ngumiwi ako. "Ayos lang. Maaga pa naman."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon