[86.1] Assume

73.7K 2.6K 666
                                    

Dedicated to my patient readers :)

[86.1] Assume

Chelsea's POV

Naguguilty ako. Tatlong araw na ang lumipas at sa katunayan ay nakauwi nalang si Jacob sa Bohol pero hindi pa rin maalis ang guilt feeling sa dibdib ko dahil sa text na natanggap ko galing kay Wayne. Kahit kasi ilang beses ko mang basahin yung message ay ramdam ko yung sakit sa bawat letrang tinipa niya. Hindi naman ako nag-aassume, 'di ba? Sigurado akong nasaktan ko na naman siya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi magandang ideya ang bumalik pa ako dito.

I admit, there's a part of me that still cares for him. Sabi ko nga noon, wala na akong mahihiling pa kay Wayne. Sa ilang buwan na relasyon namin, pinaramdam niya sa akin ang maging masaya kahit na palihim ang lahat ng ginagawa namin. I only want the best for him. I want him to be happy...

"Yan na naman 'yang buntong-hininga na yan, Chels. Yung totoo? Kung hindi ka mapakali, pwede ka namang makipagkita kay Wayne. Meron ka namang contact number niya, 'di ba?"

Mas lalo lang akong sumimangot sa suhestyon ni Metch. Kasama ko siya ngayon dahil nababagot na akong mag-isa sa condo. Gusto ko mang lumabas pero nakakalungkot naman dahil mag-isa lang ako. Buti nalang, isang tawag ko lang kay Metch ay pinuntahan niya ako kaagad. At ito nga, nagpunta kami sa mall at habang kumakain kami ng dinner ay kinwento ko sa kanya ang nangyari three days ago.

"Bakit ko naman siya pupuntahan? Baka isipan pa nun-"

She cut me off with that scrutinizing look. "Yan na naman tayo sa 'baka' o 'what ifs' cheverlu mo," sabay irap niya sa akin. "Ayan na nga oh, naguguilty ka na. Seriously, iisipin mo pa rin yang hiya mong bruha ka?"

Napainom tuloy ako sa iced tea ko. Ang hirap namang kontrahin ng babaeng ito. "Hindi naman sa ganun, Metch. Ang hirap naman na ako ang unang mag-iinitiate. Saka nalang kapag nagkita nalang ulit kami."

"Sa'yo na rin nanggaling na tatlong araw na rin siyang hindi nagpaparamdam sa'yo. Not that-" nagquote and unquote sign pa siya sa ere "-he's obliged to check you from time to time. Hahayaan mo nalang na hindi kayo makapag-usap hanggang sa bumalik ka sa Bohol? Chelsea naman... Hindi ka pa rin nagbabago. General Manager ka na, tanggalin mo ang hiya sa katawan mo."

"Hindi naman sa nahihiya ako. Syempre, kailangan maging discreet ako lalo na't may girlfriend na siya at ex niya ako slash... kapatid niya pa."

Kahit pala na apat na taon na ang lumipas, mahirap pa ring tanggapin na magkapatid kami. Nasasaktan pa rin ako sa ideyang nagsinungaling sa amin si Mama... at kinailangan naming maghiwalay dahil magkapatid kami. If only we weren't siblings, our lives wouldn't be as complicated as this.

Ngumiti siya ng sarkastiko at pabirong itinuro sa akin ang hawak na tinidor. "At isa pa 'yan. Don't you think Wayne needs to know about the truth? Kung ayaw sabihin ng Mama mo, bakit hindi ikaw nalang ang magsabi? Habang tumatagal, mas lalong nagiging kumplikado e."

Natahimik ako. Sa totoo lang, tama si Mama e. Mahirap sabihin ang katotohanan dahil ayoko ring masaktan si Wayne. Kung sino man ang pinakamasasaktan dito, yun ay si Wayne dahil buong akala niya ay anak siya ng kinikilala niyang ina at bukod dun, sa tingin ko ay mahihirapan din siyang tanggapin na ang naging girlfriend niya ay ngayo'y kapatid niya pala. Pero hindi naman pwedeng itago nalang ang lihim na ito habambuhay. Darating din ang panahon na malalaman niya ang tungkol dito at sa palagay ko, doble ang mararamdaman niyang sakit kapag dumating na ang araw na yun.

Napakahirap ng sitwasyon...

"Mahirap, Metch. Para sa akin mahirap sabihin iyon lalo na't..." Naputol ang sasabihin ko. I am kind of lost for words. Hindi ko alam pero sa nagdaang tatlong araw ay may na-realize ako. Sa tinext niya sa akin, hindi imposibleng may nararamdaman pa rin siya sa akin kahit papaano.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon