[17] Few Questions
Chelsea's POV
Sinadya ko talagang magising ng maaga. Matapos kong i-reject kagabi si Sheen, nahihiya na ako kung ipagpapatuloy ko pa itong bakasyon namin. Gusto ko nang makahinga ng maayos. Gusto ko nang makauwi.
Ala-singko pa lang ng umaga nung mag-ayos ako ng sarili pati na rin ng mga gamit ko. Nag-ingat ako at nagdahan-dahan para hindi ko magising si Metch. Bago ako lumabas ng tent ay nag-iwan ako ng note sa higaan ko para kahit papaano ay makapagpaalam ako sa kanya. For sure, magagalit siya sa akin dahil aalis ako nang walang paalam. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nagconfess sa akin ang crush niya. Baka kasi masaktan siya.
"Sorry," bulong ko sa kanya bago dahan-dahang lumabas ng tent. Iniwan ko muna backpack ko sa lupa bago ako tahimik na lumapit sa tent nila Wayne at Sheen.
Kaso hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan ay lumabas na si Wayne. Bihis na bihis na siya at base sa mukha niya, seemed that he's been awake for hours before I got up.
"Akala ko ba alas-kwatro? Ala-singko na o," sabi niya tapos kinuha niya yung back pack ko at naglakad na palayo. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya.
Bago ako matulog kagabi, tinext ko si Wayne na gumising ng maaga kinabukasan dahil gusto ko nang umuwi. I even texted him not to ask why anymore. Hindi nga siya nagreply e. So, I thought he did not receive my text pero mas nauna pa siyang nakapag-prepare kesa sa akin ngayon.
Halfway to our path, bumagal yung lakad namin. Tahimik lang si Wayne. Naiilang tuloy ako. Ganyan ba siya sa umaga?
"Wayne..."
"Hmm?"
Tinignan niya ako tapos bumaling ulit siya sa pababa naming daan. "Anong pakiramdam nang mabasted?" I've been itching to ask this question. Naguguilty kasi ako sa pambabasted ko kay Sheen. Did I hurt his feelings?
"Bakit? Binasted mo si Sheen?"
Halata ba masyado? Huminga lang ako ng malalim. Natawa naman si Wayne. Mahina lang iyon pero nakakaloko.
"Sa totoo lang, nakalimutan ko na yung feeling nang mabasted. First year highschool pa lang ako nang una't huli akong mabasted. Pagkatapos nun, wala na."
Nangasim ang seryoso kong mukha sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagmamayabang lang siya o ano pero mukhang totoo naman yung sinabi niya. Fine. Siya na ang hearthrob.
"Pero syempre, sino ba namang nabasted ang hindi nasaktan? Kaya nga nanliligaw ang lalaki kasi gusto niya ang babae. Common sense lang, Chelsea."
Kusa nalang na nalukot ang mukha ko. Ang hirap kausapin ni Wayne. Hindi ko matancha ang mood niya. "Malay ko naman diba?" medyo pikon na depensa ko. "Malay mo na na-trip-an lang nung lalaki yung babae kaya niya niligawan. Hindi lahat ng nanliligaw ay seryoso. Yung iba, trip-trip lang."
"Exactly, yung iba, nanunubok lang. Sinusubukan lang nila kung malambot ang ilong ng babae at mapapa-oo agad. Yung easy to get ba."
"Ilong talaga?" I threw him a weird look.
"Idioms, Chelsea. Idioms..." Inakbayan niya ako habang tinatahak pa rin namin yung daan pababa ng bundok. "Kaya ikaw, Chelsea, kapag may nanligaw sa'yo, kilatisin mo muna kung seryoso o hindi."
Ni hindi ko nga alam kung seryoso ba sa akin si Sheen o hindi. Nabigla ako sa sudden confession niya sa akin. All these years, akala ko kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Hayy...
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...