[7] Thanks Again

121K 3.7K 466
                                    

***7***

How can I ever change my Mom's mind when in fact she shows to us that she's very excited about her upcoming wedding? Kagaya ngayon, kasalukuyan kaming nasa mall ngayon kasama ng kapatid ko. Gaya nga ng sabi niya, girl bonding daw naman ito bago raw siya ikasal. Bridal shower kumbaga. Seriously?

"Eto, anak, bagay sayo 'to." May inilapat na tube dress sa katawan ko si Mama saka niya ako pinagmasdan habang nakangiti. "Ang ganda. Eto nalang ang suotin mo sa kasal ko."

Ewan ko ba pero parang sasabog yata ang eardrums ko tuwing babanggitin ni Mama ang kasal niya. Sumimangot ako at napabuntong-hininga nalang.

"Ma, sigurado ka na ba dito?"

Napawi ang ngiti niya, at napalitan ng malungkot na ngiti ang nasa labi niya. "Anak, ngayon mo pa ba ako tatanungin ng ganyan? Almost everything is already set up. Kayo nalang ni Rance ang kulang."

Hindi ako nakasagot. May parte sa akin na tila nagiguilty sa inaasta ko lately. Hindi naman ako ganito kay Mama. Simula lang nung inannounce niya sa amin few days ago na ikakasal na siya, dun lang ako naging ganito-- ang maging selfish.

"P...paano si--"

Naputol ang sana'y sasabihin ko nang biglang sumulpot si Rance sa tabi ko. "Gusto ko nang umuwi, Ate." Hinila niya pa ang shirt ko. "Tara na po."

"Rance, bibili pa tayo ng damit mo para sa kasal ko. Gusto mo ng gown diba?" maamong tanong ni Mama sa kapatid ko. "Anong kulay ang gusto mo?"

Tumingin sa akin si Rance at napalabi nalang. "Ate, uwi nalang tayo."

Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Rance saka ako bumaling kay Mama. By the way she looks, bakas na bakas ang disappointment sa mukha niya. "Ma, pag-isipan mo muna pong mabuti ang magiging desisyon mo. Uuwi na po kami."

Lumabas kami sa boutique ni Rance nang magkahawak kamay. Tahimik lang kaming naglalakad na para bang wala sa tamang sarili. Napatingin ako sa glasswall ng mall at napansin ko na umuulan sa labas. Tsk, wala pa naman akong dalang payong. Baka mabasa kami ni Rance.

"Rance, mamaya nalang tayo umuwi?" 

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka siya ulit tumingin sa labas ng glasswall. "Gusto ko na pong umuwi."

"Umuulan eh. Punta muna tayo sa WOF? Patilain muna natin ang ulan."

Tila nangningning ang mga mata ni Rance nung banggitin ko ang WOF. Favorite place niya yun dito sa mall since mahilig siyang maglaro. Tumango-tango siya sa akin at hinila na ang kamay ko. 

At dahil favorite place niya nga ang WOF ay kabisado niya na ang daan papunta roon. Hinayaan ko lang siyang hilain ako patungo sa arcade center na yun. Bumili ako ng 10 tokens para sa kanya. Hindi naman ako mahilig maglaro kaya hinayaan ko siyang maglaro mag-isa. Inuna niya yung shooting game, at napansin kong bumalik yung pagiging energetic niya. Sabi na e, mukhang na-bore lang siya sa pagshoshopping ni Mama kanina.

Speaking of Mama, napakagat ako sa labi ko nang maalala yung nangyari kanina. Hindi ko naman gustong iwanan siya roon sa boutique. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na hindi namin tanggap na magpapakasal siya ulit sa ibang lalaki. Sana lang ay marealize niya na mali itong ginagawa niya. 

"Yey!! Dun naman!" sigaw ni Rance saka siya tumakbo kung saan. Sinundan ko naman siya. Hayy. Kaya ayokong nagpupunta sa mga ganitong lugar kasi sobrang daming tao. Ni hindi ko tuloy maabutan si Rance. Nakita ko si Rance na kumakaway sa akin habang nakatayo sa harapan ng kung anumang arcade game yun.

"Excuse, excuse!" sabi ko sa mga taong dinaraanan ko. Pagkalapit ko kay Rance, ininsert niya agad yung token at nagsimula na siyang maglaro. Habang naglalaro siya, nilabas ko naman ang phone ko. Ang daming unread messages at missed calls galing kay Mama.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon