[45] Torn
Metch's POV
I was torn between them two. Naks, feeling ko, ang haba ng hair ko pero feeling ko lang yun dahil nakaka-stress pala yung ganito. Sa totoo lang, gusto ko talagang makausap si Sheen. Gusto kong malaman kung ba't bigla-bigla nalang siyang umiwas sa akin nitong mga nakaraang Linggo, pero hindi ko alam kung magagawa ko yun dahil hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko. Baka sabihin niya e may care pa ako sa kanya. Like duh! Diba pwedeng curious lang?
Sa gitna tuloy ng malalim na pag-iisip ko ay muntik ko nang makalimutan na nasa harapan ko nga pala si Uno na kanina pa nakatitig sa akin.
"'Wag ka ngang tumitig dyan," pagtataray ko at saka bahagyang tumingin sa ibang direksyon. Sinong sasamahan ko? Itong dakilang FC na 'to o si Sheen?
"You were about to say 'sige', weren't you? Wala nang bawian," nakangising sabi niya. Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Ba't kasi bigla-biglang nagyayaya si Sheen? Pwede naman sanang bukas nalang.
I took out a deep breath before I shrug. Bahala na. "Okay, pero hanggang East Town Center lang ha?"
Ako na yung nagdecide kung saan kami magmimiryenda. Nadala na kasi ako sa ginawa noon ni Sheen. Dinala ba naman ako sa Tagaytay nung lalaking yun e, and since then, umiwas na siya sa akin. Pinipilit kong alalahanin kung anong posibleng dahilan kung ba't siya nagkakaganun. Nakonsensya na kaya siya sa ginawa niya o sadyang sumuko lang siya sa pagtataray ko.
Well, whatever that is, for sure mapag-uusapan namin yun once na mag-usap na kami.
"'Bae, what's your order?"
Sa Pizza Hut lang kami nagdecide na magmiryenda. Ayos na rin dito kaysa ang mapalayo pa. Magmimiryenda lang naman e. Okay na yung pizza. Tumingin ako sa menu, at habang ini-scan ko ang mga nakakatakam na image ng pizza dun, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.
"Hawaiian Supreme nalang," sabi ko habang kinakapa sa loob ng bag ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, may isang text mula kay Sheen.
From: Sheen
Please, Metch? Kahit saglit lang sa Towncenter.
Namilog ang mga mata ko. Towncenter? As in, dito? Nilibot ko tuloy yung tingin ko sa paligid which is an odd thing to do dahil wala namang sinabi si Sheen kung saan siya specifically maghihintay. He's probably on the second floor or sa ground floor. I don't know! Basta ang alam ko, nakakapanic 'to.
"Ayos ka lang, bae?"
At isa pa 'tong kaka-bae ng lalaking 'to sa harapan ko. Sinamaan ko nga ng tingin. "Don't call me bae. Metch nalang, okay?"
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Ayaw mo nun? Bukod sa fact na astig yung 'bae' na tawagan, e sa akin pa mismo nanggaling? Hindi ba nakakakilig?"
I glared at him and he returned it with an eye-smile. Pa-cute talaga. Grr! "Uno, tigil-tigilan mo nga ako. Sumama ako sayo para magmiryenda, hindi yung makipagpikunan."
"Syempre, habang kumakain, mag-uusap tayo." Sumandal siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Feeling ko tuloy ay lulubog ako sa kinauupuan ko sa paraan ng pagtingin niya. "I want to know more about you. Your interests, likes, dislikes and such."
I maintained a straight face as he never gazed away from me. Walangya 'to! Patagal nang patagal, nacoconscious na ako sa titig niya. Ikaw ba namang titigan nang ganyang itsura, parang feeling mong magpunas palagi ng mukha dahil nakakahiya na baka may dumi ka sa pisngi, mata at lalong-lalo na sa ilong. Gross.
"You want to know more about me? Hmmm..." At dahil ako si Metch, isa akong epitome ng sarcasm. Ngumiti ako ng sarkastiko habang nakataas noo. "Ako si Metch Audrey Flores. I like everything that you don't possess and I dislike everything about you." Ngumuso siya. Gusto ko tuloy matawa. "And I am not single 'cause I have a boyfriend that happens to be your cousin. Kaya ngayon pa lang, sinasabi ko nang tigilan mo na 'yang pangungulit sa akin. Ayoko man 'tong sabihin pero mas mabuti pang maging magkaibigan nalang tayo kahit sa tingin ko sa ugali nating dalawa ay magiging aso't pusa tayo."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...