[68] Chef
Chelsea's POV
Nagsisimula na akong mag-alala kung nasaan na sina Metch at Sheen. Gabi na pero hindi pa sila nakakarating sa resort. Although, may tiwala ako kay Sheen pero hindi pa rin maiwasan na baka may hindi magandang nangyari sa byahe nila.
"Stop worrying about them," sabi ni Wayne sa akin.
Kanina pa kasi ako check ng check sa phone ko. Kahit isang reply man lang, wala akong natanggap mula sa dalawang 'yon. "Nasaan na ba kasi sila? Mag-seseven PM na o."
"Darating din sila. Sa ngayon, pumunta ka muna sa kwarto niyo. Tara, hatid kita. . ."
Mabilis na hinawakan ni Wayne ang kamay ko. Hinatid niya ako sa magiging kwarto ko. Hindi naman elegante ang resort na ito pero maganda ang ambience. Yung rooms nga nila ay parang apartment type lang.
Tumigil kami sa harap ng room 12. Naabutan pa naming nakabukas ang pinto nito. Sumilip ako ng bahagya at nakita ko ang back figure ni Kaye Anne. Mukhang siya ang roommate ko.
"Iiwan na muna kita dito. Pupuntahan ko lang si Dustpan, Chels."
Tumango ako kay Wayne at saka ko kinuha ang back pack ko mula sa kanya. "Saan pala ang kwarto niyo?" Naalala kong itanong iyon sa kanya bago ako pumasok.
"Dito lang kami sa tapat na room," aniya nang nakangiti sabay pakita ng iPhone niya sa akin. "Text mo nalang ako kapag kailangan mo ako."
Tumango ako kay Wayne at aakma nang pumasok sa kwarto nang lingunin ko ulit siya. He showed to me his confused look.
"Uhm, mag-iinom kayo?"
Ngumisi siya. "Bakit? Pagbabawalan mo ako?" Nakangisi nga pero ang lambing pa rin ng boses niya.
"Hindi naman. Tinatanong ko lang."
Kumamot siya sa batok niya at ngumuso. "Pwede mo naman akong higpitan, Chels. Ayos lang naman."
"Seryoso? Gusto mong paghigpitan kita, Wayne?" tanong ko. Hindi siya umimik. There's this look of anticipation on his face. "Kapag pinaghigpitan kita, hindi ka talaga mag-eenjoy."
Natawa lang siya at humakbang na palayo kahit na nakaharap pa sa akin. "Syempre joke lang 'yon. Napaka-demanding ko talaga. Magpahinga ka muna," aniya bago tuluyan nang umalis.
Napailing nalang ako ng ulo nung pumasok na ako nang tuluyan sa kwarto. Naabutan ko si Kaye Anne na nakangiti sa akin habang nag-aayos ng mga gamit niya.
"Chelsea, ang swerte mo kay Wayne. Mabait yan. Isip bata nga lang."
Napangiti nalang ako sa sinabi sa akin ni Kaye Anne. Indeed, I am really lucky to have Wayne as my boyfriend. Despite our situation, he tries his best to make our relationship work.
"Nabalitaan ko lang kay Nathan na kayo na pala ni Wayne. How did it happen? Kwento ka naman."
Naupo ako sa single bed sa sulok at humarap kay Kaye Anne. "Nag-date kami matapos mo akong ipakilala sa kanya last year, pero it didn't turn out fine."
Last year 'yon, weeks after naming maghiwalay ni Nathan na mangyaring boyfriend niya na ngayon. Nathan was my high school classmate. Years later, pinagtagpo ulit kami noong nag-transfer ako sa E.H.U nung college. We were commited to each other, but not emotionally though. More of an open relationship ang namagitan sa aming dalawa. Matapos naming magdesisyon na itigil na ang namamagitan sa aming dalawa, dun ko nakilala si Wayne. Kaye Anne served as the bridge between us.
Naalala ko pa kung paano kami ipinakilala ni Kaye Anne sa isa't-isa. Siya raw ang Mr. Pogi ng E.H.U. Mabilis gumaan ang loob ko sa kanya. He was the most pleasant guy I've ever met.
![](https://img.wattpad.com/cover/29837081-288-k419747.jpg)
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...