[22] Starbucks
Metch's POV
Hindi na ako nagtaka nang magising ako kinabukasan na parang nilalagare sa sakit ang ulo ko. First time kong uminom ng bongga e'!
Napasapo tuloy ako sa ulo ko nang tuluyan na akong nagmulat ng mga mata. Nahihilo ako, buset! Ayoko nang uminom! Bukod sa mapait naman ang lasa, masakit pa sa ulo. Ba't ba ang daming mahilig uminom ng alak?
"Araaaaay..." daing ko nang maramdaman ko na naman yung kirot. Napatulala pa nga ako sa isang sulok ng kwarto kasi nanibago ako sa wallpaper. Sakura flowers 'e.
"Nakakaloka ang sakit! Maaaaa!!!"
Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Chelsea kaya naman napabalikwas ako sa kama. Tinignan ko ang paligid. Ghad, wala nga pala ako sa bahay namin!
"Nagising ka rin," sabi ni Chelsea tapos tumayo sa harap ng kama. In fairness, ang ganda ng kwarto niya.
"Sorry, akala ko nasa bahay ako e. Ang sakit ng ulo ko!" Sabay pukpok ko sa ulo ko. Sinusumpa ko na talaga 'yang alak na 'yan. Kundi lang ako naghahanap ng lakas ng loob kagabi, hindi ako iinom ng beer e.
Natigilan ako bigla. Wait. Uminom ako kagabi. Nalasing pa. Nagtapat ng feelings kay...
"AAAAHHHHH!!!!"
OMG! Oo nga pala! Nagconfess ako kay Sheen kagabi. Napatingin ako sa kama at kusang nagflashback yung nangyari sa amin kagabi. Oh sheez! Malinaw na malinaw sa isip ko ang nangyari.
"Anong nangyari sa'yo dyan, Metch. Kumalma ka nga." Natatarantang niyugyog ni Chelsea ang balikat ko pero hindi ko mapigilan ang maghysterical.
"Geez, Chelsea! Nagtapat ako kay Sheen kagabi diba? Diba? Dito sa kwarto mo!" Tumayo pa ako at umalis sa kama tapos tinuro ko yung sahig. "Dito ako nagconfess! Bruha ka talaga, Metch!!" Sinabunutan ko ang sarili ko sa frustration. Ohemgieeee! I am so dead!
Napangiwi nalang tuloy sa akin si Chelsea. Para siyang nawiwirduhan na rin sa akin. "Metch, calm down. Will you?"
"I cannot!" Nagpalakad-lakad ako at inikutan ang kama. Para akong pusang nagle-labor. "How can I calm down? Nagconfess ako kay Sheen kagabi and then he..." Natigilan ako. Bumagsak ang balikat ko pati na rin yata ang puso ko.
"Lasing ka lang. Bahala ka nga dyan..."
Napakuyom ang mga kamay ko. Kusang nag-init tuloy ang ulo ko.
"Oy, Metch. Are you okay?"
I sighed heavily and gritted my teeth in annoyance. "... then he rejected me." Nanghina tuloy ako bigla kaya naman bumalik ako sa kama at dun naupo. Chelsea looked at me as if she's sorry. "Don't give me that look, Chels. Oo na, loser na ako."
"Hindi ah. Ano ka ba--"
I tried to smile at her. "Ano ka ba, Chelsea. Hindi siya naniwala sa akin. Eto na ako o, nagconfess na pero alam mo ba kung anong sinagot niya?"
"Na lasing ka lang daw."
Napaawang ang bibig ko sa pagkabigla sa sagot niya. How did she know that? Mukhang nabasa naman niya ang reaksyon ko kaya tinapik niya ang pisngi ko. "Narinig namin. Sinundan ka naming dalawa ni Wayne. Hindi namin sinasadya na marinig yung confession mo. I'm sorry."
Feeling ko, parang nawasak lalo ang pride ko sa sinabi niya. Wala na akong dapat ilihim kay Chelsea. Alam naman pala niya ang kahihiyan ko.
"O diba, lasing lang daw ako," I said with a sad smile sabay buntong hininga. "Ganun ba talaga yung kaibigan mo? Tanga? Hindi niya ba naisip na nagsasabi ako ng totoo? Ganun naman ang lasing diba?"
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...