[20] Mahiwagang Listahan
Metch's POV
"What?" Yun lang ang reaksyon ni Wayne sa sinabi ko. If I knew it better, he also gave me a 'are you kidding me?' look. Jusme. Mukha ba akong isang malaking joke para hindi paniwalaan ng ibang tao? Well, wala naman talaga akong gusto kay Wayne. That's for a fact. Gusto ko lang makita ang reaksyon ni Sheen sa damoves ko kay Wayne.
"Sabi ko, liligawan kita."
Tumawa lang si Wayne saka niya ginulo ang buhok ko. From my peripheral vision, nakita kong napailing nalang si Sheen. "Gutom lang yan, Metch. Tara, kainin na natin 'yang cupcake mo."
So, hinila niya ako palabas. Specifically dun sa patio. In all fairness, ang ganda ng garden nila. Buhay na buhay ang kulay ng flowers. Ang swerte naman ni Chelsea sa bago niyang family.
Pumwesto kami dun sa wooden table set, tapos naupo si Wayne sa tabi ko. "Anong nangyari sa inyo ni Sheen?" Tinignan ko siya at kinunutan ng noo. "Nung iniwan namin kayo sa bundok."
I shoved my finger infront of his face. "Ayoko nang maalala yun, Wayne. Please lang."
"Bakit?" he chuckled and I frowned.
"Basta," I snorted annoyingly. "Nga pala, hindi ako nagugutom or something ha? Totoong liligawan kita."
Nasamid tuloy siya sa kinakain niyang cupcake. Wala kasing preno ang bibig ko. Ay, sorry naman. Masyado na kasi akong sigurado sa plano ko kaya excited akong kausapin siya about dito.
"Seryoso??" Hindi makapaniwalang tanong niya with matching panlalaki pa ng mga mata.
"Mukha ba akong nagjojoke?" tanong ko at napanganga siya. Inilapit ko naman yung upuan ko sa upuan niya. "Wayne, don't get me wrong. Wala akong gusto sayo."
"Eh kung ganun, bakit naman-"
"Makinig ka kasi muna," putol ko sa sasabihin niya kaya nag-akto siyang i-zinip ang bibig niya. "Tch. Pinipilit ako ni Sheen na may gusto raw ako sayo."
Wayne's lips formed an 'o' in surprise. "Weh?"
"Oo."
"So?"
Huminga ako ng malalim saka ko hinablot ang sleeve ng collar ng shirt niya para ilapit sa akin. "So, magkukunwari akong liligawan kita."
"What the..." Tinanggal niya ang pagkakakapit ko ng kamay sa collar niya tapos medyo lumayo sa akin. "Ba't... teka, anong kinalaman ko sa loveteam niyong dalawa? Metch ha, para-paraan ka. Sa kanya ka ba talaga may gusto o sa gwapong ako?"
Wow. As in, W to the O to the W. Malaking wow ang pumaskil sa feslak ko. Napatakip pa ako sa bibig ko with dramatic touch kuno.
"Ay, lakas ng confidence, kuya?"
"Huwag mo kasi akong idamay-"
I cut his words off again. "For the record, wala akong gusto sayo. Kay Sheen lang ako," mariin na sabi ko at medyo natawa naman siya. "Tinatawa-tawa mo dyan? Seryoso ako ah."
He cackled loudly na para bang baby siya kung tumawa. Hinampas ko nga sa braso. "Ayan ka na naman, Metch. Nanghahampas ka na naman. So, ang gusto mong iparating sa akin ay liligawan mo ako... KUNWARI?" Tumango-tango ako. Natumpok niya! "What's the purpose? Anong makukuha mo dyan?"
I flipped my hair like some kind of a protaganist in a film and then I got up to my feet. "Simple lang. Ipapa-realize ko kay Sheen na isa akong malaking kawalan sa kanya."

BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...