[83] Suitor

74.7K 2.4K 1.2K
                                    

Note: Charm's up there.

[83] Suitor

Chelsea's POV

"Oh my god! Seryoso ka dyan, Chelsea? Nandyan si Wayne?"

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nararamdaman ko naman ang pagod sa sistema ko pero hindi ko magawang pumikit. Masyado kasing maraming nangyari ngayong araw. Magulo tuloy ang isip ko kaya naisipan kong makipag-Facetime kay Metch. For some reason, I suddenly miss her kahit na kanina lang yung huli naming pagkikita.

"Oo nga. Nandito siya. He's with his foreign girlfriend."

"Foreign girlfriend?" Napatakip siya sa kanyang bibig. Halatang nawindang din katulad ko. "So, the rumors are true?"

"What rumors?" As much as possible, hindi ako nagtanong kay Metch ng kahit ano tungkol kay Wayne sa nakalipas na apat na taon. I needed to move on and it won't help myself if I kept on asking about him. At isa pa, nasabi sa akin noon ni Metch na simula nang umalis ako sa Maynila ay naputol na raw ang ugnayan sa pagitan nilang dalawa ni Wayne...

"Ganito kasi 'yon, si Sheen lang ang nagsabi sa akin nito ha? Three years ago, may pinatayo raw na coffee shop si Wayne somewhere near E.H.U. Ka-partner daw nito sa business yung ex niya from Germany."

Hindi ko maiwasang hindi mapasimangot sa sinabi ni Metch. Ex-girlfriend ni Wayne si Charm? Judging from what happened earlier at the resto bar, it seemed to be that they're back together.

"Si Charm na siguro 'yung German na tinutukoy ni Sheen." My frown was then replaced with a smile. "Bagay sila. Pang-Miss Universe yung beauty ni Charm at alam mo naman na hindi rin basta basta ang itsura ni Wayne. He's a bachelor."

Mukha namang naintriga si Metch base sa reaksyon niyang medyo ngumuso pa sa screen. "So, kamusta? Anong naramdaman mo nang makita siya kasama ng kanyang bagong girlfriend?"

I huffed out a laugh. "Of course, I was shocked. Minutes after you left earlier, he appeared. Sino ba namang hindi magugulat?"

"I mean, anong naramdaman mo? Masakit ba? May narealize kang something or—"

"Metch!"

"Okay. Shut up na ako. Hehe."

Ang totoo nyan, medyo na-disappoint ako ng kaunti nung ma-realize kong hindi pala sa akin naka-dedicate yung kanta. I assumed, alright. You couldn't blame me though. Para kasing tagos sa akin yung kanta. But then again, I wasn't only the ex-girlfriend here. I get it. Ex niya rin si Charm, tapos nagkabalikan sila. And then that's it! Hayy... Hindi ko rin naman alam kung bakit ko naisip na para sa akin ang kanta.

They're a couple for all I care.

Ilang sandaling kwentuhan pa ay sa wakas humikab na ako. Finally, dinalaw din ako ng antok. "Metch, next time nalang ulit ha? May pasok pa ako bukas e."

"Sure. Kapag kailangan mo ng outlet, one Facetime away lang ako."

I giggled and gave her a satisfied smile. "Thanks, Metch! You're the best!"

Itatago ko na sana sa bedside drawer ang phone ko nang biglang tumunog ulit ito. This time, it was an sms from Jacob. Hala, hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanya na umuwi na ako. Hindi na kasi talaga ako kumportable sa resto bar kanina kaya umalis na ako nang walang pasabi.

Jacob: Sabi ng guard, umuwi ka na raw. Talk to you tomorrow then. I'm worried. Goodnight though.

Nagising ako ng 8:30 am kinabukasan. Sunday naman ngayon kaya off ko sa work. Yun nga lang, usually, mas pinipili kong ilaan yung day off ko sa pag-iikot ikot sa resort. Masyado na talaga akong naging devoted sa business namin.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon