[24] Plain Boring

92.9K 3K 635
                                    

[24] Plain Boring


Chelsea's POV


Pinagmasdan ko ang sarili sa full length mirror. Nakasuot ako ng simpleng white pants at long sleeve na blue blouse. Siguro tama na ito para sa pupuntahan kong blind date.

Nangasim ang mukha ko nang mag-sink na ng tuluyan sa isip ko na sasabak ako sa blind date ngayong araw. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi ako papayag kahit anong mangyari pero look at me, pormang-porma na ako ngayon.

"Hindi nalang kaya ako tumuloy? Mag-isip ka ng palusot, Chelsea." Nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko ang sarili ko. Hindi kaya nakakababa ng dignidad ang makipag-blind date? Ano nalang sasabihin nung lalaki sa akin? Na desperada akong magka-love life?

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Hindi pa man 'yon nililingon ay bumukas na ito. Buti nalang ay si Mama ang pumasok. Shiz, nakalimutan kong i-lock ang pinto.

"'Nak, hinihintay ka na ni Wayne sa baba. Bilisan mo naman dyan. Mukhang naiinip na siya dun," sabi niya. Nagtaka tuloy ako.

"Ma, ayos lang po sa'yo na umalis kami?"

Ngumiti lang siya sa akin at saka siya lumapit. Pinagpagan niya ang magkabilang balikat ko at saka niya hinawakan ang dalawa kong braso. "Chelsea, it's about time to enjoy yourself. Sabi sa akin ni Metch, lagi kang bigo sa pag-ibig."

Hay nako! Ang daldal talaga ni Metch.

"At nagsabi sa akin si Wayne na tutulungan ka niyang magkaroon ng matinong boyfriend." At dun na ako napanganga. As in, sinabi ni Wayne? Hala, bagay talaga silang dalawa ni Metch. Ang daldal!

"Pero po, Ma—"

"Sumama ka kay Wayne. Maraming kaibigan yung batang 'yon. Mas mabuting lumabas-labas ka kaysa ang magkulong dito. Sige na, umalis na kayo."

Wala na akong nagawa nang hilain ako ni Mama palabas ng kwarto. We parted ways when we exited from my room. Dumiretso siya sa rooftop at ako naman ay bumaba na sa sala. At tama nga si Mama, nandun si Wayne. Naabutan ko siyang busy sa cellphone niya.

"Ehem," I cleared my throat as I set foot on the first floor. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at saka siya tumayo.

"Sa wakas! Akala ko, uugatin na ako dito, Chelsea. Tagal mo ah."

Nilapitan ko siya at saka siya tinignan ng seryoso. "Wayne, sinabi mo kay Mama ang tungkol sa blind dates ko?" bulong ko sa kanya.

"Hindi ah. Ba't ko naman sasabihin 'yon?"

"Malay ko ba. At saka, pinapasama niya kasi ako sa'yo." Which is weird kasi bago ako payagan ni Mama sa kahit saang pupuntahan ko ay kinukwestyon muna niya ako. She's not strict, para lang siyang imbestigador kung magtanong.

"Sikreto lang natin 'yon," he smiled assuringly at me and I felt the relief. "Tara na nga. Hinihintay ka na ni Alvin."

Bumalik tuloy ang kaba sa dibdib ko. Hala, seryoso? Talagang blind date talaga 'to? Iniisip ko pa lang kung anong ginagawa sa blind date, kinikilabutan na ako. Conservative kasi akong tao at hindi ko alam kung ba't ako papasok sa ganitong kalokohan.

Sinundan ko si Wayne palabas ng bahay. Medyo malalaki ang hakbang niya kaya binilisan ko ang pagsunod. "Wayne, 'wag nalang kaya?"

"Walang atrasan, Chelsea."

"Nakakahiya."

Dumiretso siya sa garahe. Pinatunog niya yung itim na kotse at saka niya ako pinagbuksan sa passenger's side kaya wala na akong choice kundi ang sumakay. "Wayne, hindi talaga tama 'to eh," sabi ko sa kanya nang makasakay na siya sa driver's seat.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon