[79] Phone Call
Chelsea's POV
Jacob Cabrera Li...
Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang sumundo sa akin sa airport. Kung ganun, siya ang anak ng kumpare ni Papa? Paano nangyari 'yon? Bakit ang liit naman ng mundo para sa amin?
Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko habang nasa gitna kami ng byahe. Hindi ko mapigilan na sumulyap sa kanya paminsan-minsan dahil nagbabakasakali pa rin ako na baka nagkamali lang ako— na hindi siya si Jacob. Pero kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ay malinaw naman na si Jacob talaga itong kasama ko.
Si Jacob na ex-boyfriend ko— ang dahilan kung bakit naging kami ni Wayne.
"Aren't you gonna ask me anything?" He finally broke the silence between us. Sumulyap siya sa akin at saka tipid na ngumiti. "I'm sure you're curious, Chelsea."
I'm not just curious, but shocked. Ano bang nangyayari sa buhay ko ngayon? Parang isa nalang itong malaking joke para sa akin— a kind of joke that is not funny.
"How are you related to my father?" I asked frankly. I just want to go straight to the point. I think I'm missing some details here.
"Anak ako ng kumpare ng Papa mo. In case you don't know, your dad is my Ninong." Ngumisi siya sa akin. "So, kinakapatid kita."
"What?!"
Napasinghap nalang ako ng malakas sa sinabi niya. Siya naman ay nagawa pang humalakhak sa naging reaksyon ko. Bakit hindi ko alam na may koneksyon pala siya kay Papa at bakit ngayon ko lang nalaman na kinakapatid ko pala ang Jacob na 'to? He used to be my boyfriend but then, he turned into a jerk!
Mas lalo tuloy nabalot ng katahimikan ang byahe. Paniguradong hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa nangyayari. Kailangan ipaliwanag ni Papa sa akin kung paano nangyari ang lahat ng ito. Was it all pure coincidence or was it a set-up?
"We're here," masiglang anunsyo ni Jacob.
Napakurap tuloy ako at napadungaw sa bintana sa gilid ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
Lumabas si Jacob at umikot para pagbuksan ako ng pinto sa passenger's side. Napatingin pa nga ako sa kamay niya nang ilahad niya ito sa harapan ko. He used to do it when we were a couple. Pero iba na ngayon... Pinili kong hindi tanggapin iyon at lumabas na ng kanyang kotse. Hindi ko yata kayang pakisamahan ang taong nanloko sa akin noon.
Sumipol pa siya sa ginawa kong 'yon at pinuntahan na ang aking maleta na nakalagay sa trunk. I just stayed there, roaming my eyes around the place. Isang malaki ngunit simpleng puting bahay ang nasa harapan namin. Napapalibutan ito ng mga bulaklak. Nararamdaman ko pa ang kakaibang simoy ng hangin na marahil nanggagaling mula sa dagat.
"Shall we?" sambit ni Jacob.
Sinundan ko siya papunta sa pinto ng bahay. Hindi pa man kami tuluyang nakakatapak sa pathway ay biglang bumukas ang pinto at lumabas si Papa.
"Chelsea, anak!"
Sinalubong niya ako ng yakap. Yumakap din ako pabalik at tinapik-tapik ng marahan ang likod ni Papa. Sa likod niya ay nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin nang nakangiti ngunit naputol 'yon nang magmano sa kanya si Jacob.
"I'm glad you came. Hindi ako makapaniwala dahil biglaan mong sinabi sa akin," sabi ni Papa bago humiwalay. "Magmano kay Tito Edgar mo. Siya ang kumpare ko."
So, he's the father of my ex-boyfriend? Kahit medyo nag-aalinlangan ako ay sinunod ko si Papa. Nang lumapit ako kay Tito Edgar ay nakita ko pa si Jacob na pasimpleng kumindat sa akin. Inirapan ko nga. The nerve of this jerk.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...