[67] Cold Stare

70.8K 2.4K 540
                                    

[67] Cold Stare

Metch's POV

"Metch, nandyan na ang manliligaw mo!"

Nataranta ako bigla sa isinigaw ni mama. "Ma, 'wag ka naman pong maingay. Baka marinig ka ni—"

"Hi, tita!" At ayan na nga si Sheen, sumulpot na sa doorstep. Ngiting-ngiti siyang bumaling sa akin. "Hello, Metch."

I consciously turned my head away and brushed my hair with my fingers. Bigla akong nailang dahil sa sinabi ni mama. Narinig kaya niya iyon? Teka. Bakit naman ako maiilang e totoo namang suitor ko siya? Ugh, si mama kasi e, mukhang mas excited pa kaysa sa akin!

Tumayo na ako at kinuha ang back pack at paperbag na regalo ko para sa kanya. Nakita naman iyon ni Sheen at agad na nilapitan ako para kunin mula sa akin ang dala-dala ko.

"Sa Sunday ang uwi niyo, hindi ba?" paninigurado ni mama. Sinusundan niya kami palabas sa gate.

"Opo, Tita. Before 5pm, I assure you po na naihatid ko na siya sa bahay sa Linggo."

Tumango si mama at matamang tinitigan si Sheen. Ayan na naman ang intimidating strict look ng aking ina. "Good. Ikaw na ang bahala sa anak kong ito, Sheen. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Huwag mo sanang sirain."

"Opo, tita. You can contact us from time to time para ma-check mo po si Metch."

"Sa Sitio Maligaya kamo ang punta niyo, hindi ba?"

Oohh. . . Buti pa si Mama, alam kung saan ang punta namin. Samantalang ako ay walang ideya. As in, ngayon ko lang nalaman. I've heard a lot about that place. Taga-dun kasi noon si Chelsea.

"Opo," ani Sheen at sumulyap sa akin. "Tita, if you don't mind, aalis na po kami. Baka kasi gabihin kami sa daan."

"Osya, mabuti pa nga. Ingatan mo ang anak ko ha?" paalala ulit ni mama at tinignan ako. "'Wag kang pasaway, Metch. Behave. Hindi ka makakaulit sa akin kapag nalaman kong may hindi ka magandang ginawa."

"Opo, Ma."

Yumakap ako sa kanya para maglambing ng kaunti. Hindi ito ang first time na pinayagan niya ako dahil hindi naman siya istrikto pagdating sa ganito, basta ba ay magpapaalam ako ng maayos. The thing about now is that Sheen is now my suitor. At alam niyo namang istrikto siya sa usaping manliligaw. Kaya nga, nagtatataka ako kung paano napapayag ni Sheen ang mama ko. Oh, well. . .

"Enjoy kayo," pahabol ni mama matapos ko siyang yakapin. "Advance happy birthday, Sheen!"

"Salamat po, tita." Pinagbuksan ako ng pinto ni Sheen sa passenger's side. "Sakay ka na, Metch."

"Pasalubong ko, ha?" pahabol ni mama noong pasakay na rin si Sheen sa driver's side. Nakakahiya talaga kung minsan ang mga sinasabi ni mama.

"Ma naman!"

Natawa lang si Sheen at kumaway na rin. Nginuso ni Sheen ang seatbelt kaya kinabit ko na rin ito sa sarili ko. Humabol ako ng kaway kay mama noong pinaandar na ni Sheen ang kotse paalis.

May maliit na ngiting nakasibol sa mga labi ni Sheen habang nagmamaneho. Pasimple ko siyang pinagmasdan sa rear view mirror. In fairness, bagay sa kanya ang suot na puting plain na shirt na pinatungan ng blue polo. Napaiwas lang ako ng tingin noong magtama ang mga paningin namin. Emegesh, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Holy crap!

"Kumain ka na, Metch?" tanong niya.

Tumango lang naman ako. Kumain na ako ng miryenda habang naghihintay sa kanya. Sa totoo lang, naeexcite ako sa byaheng ito. Syempre, sabik ako sa gala e!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon