[64] Rock, paper, scissors
Metch's POV
Monday na naman. First day of final exams na. Nagawa ko namang magreview kagabi pero nakatulugan ko rin. Sana naman ma-survive ko ang exam ko ngayon sa Tourism and Promotion Marketing.
"Beautiful morning, Metch!"
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang humarang sa dadaanan ko ang lalaking tatlong araw na akong ginugulo sa text at syempre, consistent ko ring dinededma.
"Just so you know, I'm perfectly fine now!" At nagpacute pa ang loko. Hindi ko tinatanong!
Tinapunan ko lang ng masamang tingin si Uno at saka siya nilagpasan. Wala akong oras para sa mga lalaking katulad niya.
"Uy," sinundan niya ako't inakbayan pa kaya padaskol kong tinanggal ang kanyang braso sa balikat ko. "Galit ka pa rin? Ayaw mo ba talagang maniwala sa akin na hindi ko girlfriend si Roxanne?"
Hindi ako sumagot. Binilisan ko nalang ang bawat hakbang ko malayo lang sa landas ng womanizer na ito.
"Uy, Metch! Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka sa akin?"
Humarang siyang muli sa harapan ko. Matangkad na nga siya pero mas lalo pang tumangkad dahil nakatungtong siya sa unang baitang ng hagdanan patungo sa building namin. Kapansin pansin tuloy ang ipinayat niya. Teka, bakit ko nga ba siya tinititigan?
"Metch. . ." Yung boses niya parang nagpapacute na nagpapaawa. Hmp! "Please, maniwala ka na sa akin."
I drew a slow breath and glanced at him with an annoying roll of my eyes. "Tigilan mo na ako, Uno. . ."
Suminghap siya. Ang OA nga ng pagkakasinghap niya e. "What?" 'di makapaniwalang aniya.
"Ayoko na."
"Hindi pa tayo, break up na agad?"
Napaawang ang bibig ko sa hirit niya. This guy, seriously. Pinaglololoko niya ba ako?
Napapadyak nalang tuloy ako sa semento sa sobrang inis. "Ewan ko sa'yo!" bulyaw ko at tinalikuran na siya ngunit ilang hakbang palang palayo ay nilingon ko ulit siya. Naabutan ko siyang susundan pa ako. "'Wag mo na akong susundan ah!"
Napahinto siya sa pag akbang. "Metch naman—"
"'Wag ka na lalapit sa akin. Du'n ka na sa girlfriend mo!" And with that, I finally walked out on him.
Nakasimangot akong dumiretso sa classroom namin. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga para hindi ma-late sa exams ko today. Mahigpit kasi ang prof namin sa TP&M kaya nag-iingat lang. Kaya naman wala pang gaanong tao sa room nang dumating ako.
Naupo ako sa 3rd row sa left side ng kwarto at sinubukang magreview sa handout ko pero nakakainis dahil distracted ako. Panira kasi 'yang si Uno e! Ang ganda ganda ng araw ko, ginulo pa niya. Haayyy! Bakit ginugulo niya pa rin ako? Ba't 'di nalang siya makuntento sa girlfriend niya? Tutal naman, maganda naman iyon at mukhang mabait naman. Yun nga lang, clingy. Pero parehas naman sila e. They're perfectly match.
"Metch," anang boses ni Chelsea. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang pumwesto sa tabi ko. "Ang aga natin ah."
"Oo, ayokong ma-late dito."
Naglabas din siya ng sariling handout at nagreview. Nagreview na rin ako ng sarili. Napapansin kong sa gilid ng mga mata ko ay napapatingin siya sa akin.
"Ba't mukhang badtrip ka ngayon?" she finally asked.
Bumuntong hininga ako na para bang ang bigat talaga ng pakiramdam ko. "Wala," umismid ako. "May isang tao lang namang panirang nangbwisit ng araw ko."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...