[10] Out of Town

129K 3.6K 496
                                    

[10] Out of Town

CHELSEA'S POV

"Nagkita kami kagabi sa convenience store sa kanto, Chelsea! Parehas kaming nagcrave ni baby sa siopao. Hindi kaya buntis kami?"

Weirdong napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Minamadali niya ako sa pagpunta dito sa bahay niya kanina para lang ikwento yan sa akin?

"Metch, hindi pa ako naliligo. Nagtext ka nung nag-aalmusal ako. Akala ko importante 'yang sasabihin mo kaya dumiretso ako dito."

"Importante kaya 'to. Kinabukasan namin ni baby ang nakasalalay dito," hirit niya pa nang biglang sumulpot ang nanay niya sa kusina.

"Anong baby 'yang naririnig ko?"

Sabay kaming napakagat ni Metch sa sarili naming labi nung marinig ang Mama niya. "W-wala, Ma."

"Buntis ka ba, Metch?"

At dahil dun, natawa ako pero pinigilan ko lang. Ganyan ka-hysterical ang Mama ni Metch. Kaya nga hindi pa nagboboyfriend 'yan babaeng 'yan though, inamin niya sa akin na nakadalawang boyfriend na raw siya nung highschool, hindi nga lang seryoso pero nang mahuli siya nang Mama niya ay tumigil na siya. Nadala raw kasi siya dahil pinahiya siya noon ng Mama niya sa harap ng barkada niya. So much for that...

"Ma, hindi ah! Wala nga po akong boyfriend. Paano po ako mabubuntis? Alangan namang nabuntis ako ng holy spirit diba?"

"Baliw," sabi ko sa kanya at rest-assured na nginitian ang Mama niya. "Tita, nagbibiruan lang po kami dito. Don't worry po, wala pong boyfriend si Metch."

"Buti naman. Sige, Chelsea, maiwan ko muna kayo. Kumain ka lang ng kumain dyan ha?" sabi nito saka siya umalis.

Nakahinga naman ng maluwag si Metch. "Si Mama parang may radar. Nakarinig lang ng baby, sumulpot na bigla."

"Baby pa more, Metch," biro ko sa kanya at umirap naman siya. "Anyway, ito lang ba ang ipinunta ko dito? Ang i-share ang nangyari sayo kagabi?"

"Wait lang kasi. Hindi pa ako tapos. Ayun, nag-usap kami. Oh, makatingin ka dyan. Oo nga, nag-usap nga kami ni baby."

Tinignan ko kasi siya nang nakakaloko. Hindi naman sa hindi ako naniniwalang nakipag-usap siya kay Sheen, hindi lang talaga kapani-paniwala. Haha! 

"For real? Buti hindi ka hinimatay?"

"Oy, ang OA naman. Crush ko siya ng kaunti pero not to the point na mahihimatay ako sa harap niya. Though, parang bumagal ang ikot ng mundo kagabi--"

Natawa nalang ako. "'Yan ang OA!"

"Hahaha! De joke lang. Ayun nga, nagkausap kami about sayo."

"Sa akin?"

She nodded her head while smiling. "Yup, nag-aaalala kasi siya sayo kasi down na down ka raw. You know, dahil malapit na ang kasal ng Mama mo kay Tito Anton."

"So?" Si Sheen na walang alam sa mundo kundi ay kalokahan, nag-aaalala sa akin?

"So, we planned on going out on a vacation kasama ka, ako at si Sheen, pero kung ayaw mo, keri lang! 'Wag mo lang sasabihin kay Sheen," sabay kindat niya sa akin.

I looked to her weirdly. "Baliw. Kapag talaga sinabi ko kay Sheen na crush mo siya, naku, Metch."

"Uy, joke lang. Kidding aside," tumikhim siya at nagseryoso na nga. See? Ang takot lang niya kay Sheen. Maharot lang siya kapag ako ang kausap niya pero natitiklop naman kay Sheen. "Magbabakasyon talaga tayo. Nakausap ko na si Mama at payag siyang ipahiram sa atin ang van."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon