[13] The Cat Turns Into Tiger

101K 3.1K 589
                                    

[13] The Cat Turns Into Tiger



CHELSEA'S POV


"Anong amoy yun, Chels?" Nagtakip na ng ilong si Metch samantalang ako naman ay tumayo na mula sa kama at sinundan yung amoy na 'yon. Amoy sunog! "Parang... amoy sunog," dagdag pa niya.

Sinundan ako ni Metch na makalabas ng kwarto. Kahit na hindi naman galing sa kusina yung amoy ay chineck ko pa rin kung dun yung nanggaling pero wala namang tao dun. In fact, patay naman ang kalan at luto na rin yung ulam.

"Girl, galing yata sa labas yung amoy..."

So, lumabas naman kami ni Chelsea dun sa backdoor since dun nga nagmumula yung amoy at natigilan talaga kami nang makita yung usok na nagmumula dun sa kalan sa labas. Naabutan pa naming humahagalpak ng tawa si Sheen samantalang si Wayne naman ay hindi na maipinta ang mukha na nakatitig dun sa walang takip na kalderong... err, puno na ng usok.

"HAHAHAHA! Shet. Ba't mo kasi sinaksakan ng sinaksakan ng maraming kahoy? Lumakas tuloy ang apoy. HAHAHA!" Idagdag pa yung mapang-asar na tawa ni Sheen na talaga namang kahit sino ay mababadtrip.

Patakbo akong lumapit sa kanila. Medyo sinamaan ko pa ng tingin at sinanggi ko si Sheen nung makalapit na ako. Lagot siya sa akin mamaya. "Ikaw ba ang nagsaing, Wayne?"

Napangiwi ako nung hindi siya sumagot. Basta kinuha niya nalang yung kaldero tapos mukhang itatapon ata niya.

"Uy, sayang yan, dre. Pagtiisan nalang natin 'yang effort mo," sabi ni Sheen kaya huminto si Wayne. Nakita ko pang gumalaw yung shoulders niya na para bang huminga siya ng malalim.

"E bakit mo kasi pinagsaing si Wayne, Sheen? Hindi naman pala siya marunong," sabat ni Metch at nakita ko na nagpigil ng tawa si Sheen. Naku, mapipingot ko talaga 'to eh!

Ayan na naman yung nakakaloko niyang tawa. Grr. "Eh sabi niya siya nalang— pfft! Ewan. Pasensya na, dre. Ikaw kasi e."

"Marunong ako," Wayne replied seriously. "... Magsasaing nalang ako ulit," he added and walked out.

Natahimik tuloy kami ni Metch. Nagpalitan kaming tatlo ng tingin. Napapailing nalang si Metch samantalang si Sheen naman ay natatawa pa rin habang umiiling ng ulo. Sa inis ko, pinalo ko siya sa braso saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Ba't mo pa siya pinagtatawanan? Anong katawa-tawa dun?

"Laftrip e. Kita mo ba yung sinaing niya?" Tumawa ulit siya kaya naman nakatanggap naman siya ng palo sa kabila niya pang braso. "Oo na. Oo na. Titigil na. Ako na nga ang magsasaing baka tutungin niya ulit." Lalagpasan na sana niya ako ng lakad pero hinarang ko ang braso ko sa kanya.

"Huwag na. Ako na."

SINUNDAN ko si Wayne dun sa poso na hindi naman kalayuan sa bahay na pinaglalagian namin. Naabutan ko siya na kinakaskas yung maitim na kanin sa kaldero. Halata ngang badtrip siya kasi halos mabutas niya na yung kaldero.

"Wayne..."

He paused for a second and then resumed on what he was eagerly doing. Pumwesto ako dun sa hawakan ng poso at pinagmasdan siya. Nagiging snob nga pala tuwing nababadtrip siya.

"Pagpasensyahan mo na si Sheen. Malakas talaga ang trip no'n e," sabi ko pero wala pa ring reply. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Ano bang gagawin ko??

"Wayne, ako nalang kaya dyan."

Makikiupo sana ako para agawin yung kaldero pero inilayo niya at tumalikod pa sa akin. Aba? "Wayne, hindi mo naman kasi kailangang magsaing. Dapat sinabi mo na agad na hindi—"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon