***6***
CHELSEA'S POV
Tumaas ang mga balahibo ko nung maramdaman kong may gumapang sa paa ko. Pagmulat ko, halos malaglag na ang dalawang mata ko nang makita kong may ipis na gumagapang sa paa ko.
"AAAHHHH!!!!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapasigaw, with matching padyak pa ng paa ko sabay gapang palayo. Takot ako sa ipis!!
Napalunok ako nung lumipad yung ipis sa bookshelf sa may ulunan ko kaya gumapang ulit ako pabalik sa pwesto ko kanina. "Kyaaaah!!"
"Ano ba 'yang ingay na yan?" Wayne asked groggily, and so I moved towards him not looking away from the cockroach.
"May ipis!"
"Ipis lang e," sabi niya sabay kamot sa buhok niya. Pumikit ulit siya kaya hinampas ko siya sa braso.
"May ipis nga sabi, Wayne! Patayin mo!"
"Cockroaches are God's creation. 'Wag mo silang patayin. Hayaan mong i-enjoy nila ang buhay nila," seryosong sabi niya saka niya isinandal ulit ang ulo niya sa shelf.
I almost rolled my eyes at him kaso nakita ko na namang akmang lilipad na 'yung ipis. Napatakip ako sa ulo ko which is very weird gesture of mine. Bakit nga ba ako nagtatakip ng ulo?
Ayan na naman ang ipis, lumipad na naman at this time, napatili talaga ako ng malakas nang dumapo iyon sa ulo ni Wayne.
"AAAAHHH!"
"Sh1t," iritadong sambit niya sabay taboy ng ipis sa ulo niya. Mabilis siyang tumayo para tapakan yung ipis. Nakahinga na tuloy ako ng maluwag. "Pesteng ipis 'to. Istorbo."
"Peste talaga ang ipis," I agreed, catching my own breath.
Tumingin siya sa akin. Dun ko lang napansin na magulo ang buhok niya. Ngumiti siya saka siya lumapit sa akin at inayos ang buhok ko. "Ayusin mo nga 'yang buhok mo. Para kang sinaniban," sabi niya sabay talikod at mag-inat at humikab. "Yaaah! Inaantok pa ako."
Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang sarili sa screen nito. Naconscious tuloy ako dahil sobrang gulo nga ng buhok ko. Buti nalang eh manageable ang hair ko kaya finger comb lang ay ayos na. For some reason, tinurn on ko yung phone ko at napasinghap ako nang makitang may 16 unread messages at 8 missed calls ito. At hindi lang yun, what the...
"Alas-syete na ng gabi?!?"
Tumakbo ako sa pinakamalapit na bintana. Hala, madilim na nga sa labas. Napakagat ako sa kuko. Oh my! Gabi na!
"Napasarap pala ang tulog natin. Sabi sayo, masarap tumambay dito e," sabi ni Wayne habang inaayos ang buhok niya.
Hindi ko siya pinansin. Binasa ko nalang yung mga text messages ko. Half of them were from my mom asking where I am at kung tutuloy pa ba raw ako sa Batangas, at yung iba naman ay galing kay Sheen na nag-aalala na sa akin. Oh shoot!
"Wayne, tara na!"
"Oh, yung sapatos mo." Lalapit na sana ako sa kanya nang mabilis siyang pumunta sa akin at umupo sa harapan ko. I bit my lip to supress myself to smile as he slid my foot on the shoe. Pagkatapos nun ay pa-cool siyang tumayo habang inaayos pa rin ang buhok niya. Okay, yung mga ganung gestures niya ay normal nalang sa kanya. Hindi pa ba ako nasanay?
"Tara na."
Paglabas namin sa library, sobrang dilim ng hallway. Hindi ko rin alam kung ba't huminto si Wayne dun sa pinto kaya napahinto rin tuloy ako sa tabi niya.
"Chelsea," seryoso ang boses niya. "Alam mo bang may nagpakamatay na dito?"
Napalunok ako. Seryoso ba siya?
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...