[70] Badtrip

59K 2.3K 618
                                    

[70] Badtrip

Metch's POV

"Metch!"

Binilisan at nilakihan ko ang bawat hakbang ko. Malayo lang sa tuksong nagngangalang Sheen Morales! Sheesh. Hindi kaya totoo yung nuno na sinabi niya't tinulak ako kaya nangyari iyon? Ayoko na talaga! Hindi man iyon ang first kiss ko pero I felt... uhm... ano... basta!

"Metch! Uy!"

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Parang lakad takbo na nga ang ginawa ko. Pero anong laban ko naman sa taong nakasakay sa motor bike? Kahit tumakbo ako, hindi ako mananalo sa kanya.

"Metch, sorry na! Aksidente ang nangyari."

"Talk to my hand!" I whined. Nakita kong namumula ang pisngi niya marahil sa pagsampal ko.

"Hindi ko naman sinasadya—"

Naputol ang sasabihin niya nang harapin ko siya. Nakapameywang pa ako't nanlilisik ang mga mata. "Hindi sinasadya? Wow, ha! Porque't walang CCTV dun at walang testigo, sasabihin mong aksidente ang nangyari?!"

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Nanginginig ang buong katawan ko sa inis. Gusto kong manampal ulit, magwala, sumigaw, mangbugbog... AAAAHHHH!

"Metch! Uy! Metch!"

I glared at him. "Maglalakad ako. Pabayaan mo ako. Umalis ka sa paningin ko!"

Sinasabayan pa rin niya ako gamit ang motor bike niya. "Bahala ka. May ahas dyan. Damuhan pa naman 'yang nilalakaran mo," pananakot niya.

"Sa liwanag na 'to, may ahas?! BACK OFF! Shoo! Shoo! Layas!" taboy ko sa kanya.

Nainis pa ako lalo nang sumimangot siya't kinagat ang kanyang ibabang labi. Kusang pumasok sa isip ko ang nangyari ilang minuto palang ang nakakalipas. Nakagat ko ang malambot niyang labing iyon!

"ANO BA! SABI NANG LUMAYAS KA SA PANINGIN KO E!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANO BA! SABI NANG LUMAYAS KA SA PANINGIN KO E!"

Bumuntong-hininga siya't bumagsak ang kanyang balikat. "O sige. Kita nalang tayo sa resort..." sabay patakbo niya palayo ng kanyang motor bike.

Magkasalubong ang kilay ko sa inis. Kahit nga may mga nagdadaanang sasakyan sa highway ay patuloy lang ako sa paglalakad.

"That jerk! How dare he kiss—"

Kokak~

Natigilan ako sa narinig.

Kokak~

Nilingon ko kung saan nagmumula ang tunog at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang palaka ilang metro lang ang layo sa akin.

Kokak~

Nakakakilabot ang itsura niya lalo na nang tumalon pa ito malapit sa paa ko. Oh... my... gosh...

"SHEEEEEEEEEEEEEEN!!!" tili ko ng ubod lakas.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon