Special Chapter Intro (1 of 3)

10K 478 398
                                    

Special Chapter


WAYNE'S POV


"Excited ka na bang makita ako, Mrs. Madrigal?"

"Soon to be Mrs. Madrigal," Chelsea corrected with a hint of humor in her voice.

"Very soon to be misis ko rather. Tandaan mo, more or less an hour from now, apelyido ko na ang gagamitin mo."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Chelsea sa kabilang linya kaya natawa na rin tuloy ako. Nakakahawa ang tawa niya, e. Okay na sana 'yung moment naming dalawa kung hindi ko lang narinig na may nakikitawa rin sa amin sa likod ko. Tinignan ko sila sa repleksyon ng salamin sa harap ko at nakita ko ang glam team ko.

They apologetically smiled to me before they exited from my suite. So, I turned back my attention to Chelsea again on the phone.

"So, ano nga, Chels? Excited ka na bang makita ang Mr. Pogi ng E.H.U?"

I heard Chelsea snorted on the other line at sigurado akong nasundan pa 'yon ng pag-irap sa ere. "Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nyan, Wayne?"

I let out a hearty laugh at what Chelsea has said. Nai-imagine ko kasi na nakasimangot siya sa sinabi ko. Ang cute ng mapapangasawa ko pero syempre hindi ako papatalo dahil ang cute cute ko rin. Kaya nga bagay na bagay kami, e.

Ang kumontra, um-exit na sa special chapter na 'to.

"Tignan mo 'to. Bakit mo ako tinatawanan dyan?" and now, I could imagine her pouting. "Pinapakaba mo tuloy ako..."

"Bakit ka naman kinakabahan?"

"Ewan ko. Feeling ko, baka hindi ka magandahan sa akin mamaya o baka hindi ko mapantayan ang... ehem... pagiging Mister Pogi mo."

What? Oh God, my wife is so adorable! I feel like I wanted to get out of this room instantly and go wherever Chelsea is right now so that I could give her a big tight hug. Pero syempre hindi ko pwedeng gawin iyon dahil baka magalit sina Mama dahil sinusuway ko ang pamahiin. Bawal ko raw makita ang bride at baka hindi matuloy ang kasal.

Well, wala namang mangyayari kung susunod ako. Takot ko nalang na magkatotoo nga ang pamahiin at hindi matuloy ang kasal namin. Hindi pwede 'yon, aba.

"I'm just kidding, you know. I can't wait to see you in your wedding gown, Chels. I am excited to turn you into my wife."

I could hear her soft embarrassed giggle and for sure, her cheeks already turned crimson red again. Ganyan naman siya sa tuwing binabanggit ko na magiging asawa ko na siya. Bigla nalang siyang nahihiya. I don't want to think na kinakahiya niya ako kaya iisipin ko nalang na kinikilig siya.

"I can't wait for you to become my husband as well, Wayne."

And for the record, this is the first time ever that she has said those words-- that she already accepted her fate to become my wife. Napapangiti tuloy ako na parang tanga. Damn that superstitious shit. If not for that, I'd run to her and gave my shy fiancee a kiss.

"Naks. Bumabanat ka na rin dyan, ah," I chuckled but stopped immediately when I saw my own reflection on the mirror that I am fucking blushing!

"Bakit? Ikaw naman ang kinikilig dyan, 'no?"

"Hindi, ah. Bakit naman ako kikiligin? Hindi kinikilig ang isang Mark Wayne Madrigal dahil ako dapat ang nagpapakilig."

"Hmm. Okay."

"Fine. Oo na. Kinikilig na ako. Mapilit ka masyado, Chels. Napakakulit," sabi ko na agad na tinugunan niya ng tawa.

Naririnig ko ang ingay sa background niya na halatang abala ang lahat sa paligid niya. I even heard that she was asked to put down the phone because she needed to have a make-up retouch.

"So, see you at the altar, Chels?"

"Yup. See you there."

"Huwag kang male-late. Nakakahiya sa chaperone ko."

"Sinong chaperone mo?"

"Si Father."

"Ay, may chaperone din pala ako."

"Sino?"

"Yung dalawang Papa ko. Gusto mong sumama sa kanila?"

"Ay, huwag ganu'n, Chelsea. Ayoko pang sumama sa puting liwanag."

"Miss Chelsea, excuse me. Pasensya na. Kukuhanan ka pa ng shots for the video. In 15 minutes, kailangan na rin natin lumabas."

"Osya, Wayne. Kailangan ko nang ibaba ito. See you."

Pagkababa ko ng tawag ay napahugot ako ng malalim na hininga dahil naramdaman ko na yung kaba sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwalang sa kasal din ang tuloy namin ni Chelsea pagkatapos ng lahat ng napagdaanan namin.

I could clearly remember everything before we finally reached this point in our lives. . .





***

Yhel's note:

Finally, this is it! Salamat sa paghihintay sa Special Chapter ng T13G. I know this one is too short pero rest assured na masasagot ang lahat ng unaswered questions sa 3-part special chapter na ito. For the first part, intro palang ng wedding nila. Sa second part naman ang mga throwback scenes and all. For the last part, ehem... secret. Hehe.

Sana makabawi ako sa matagal na paghihintay ninyo. Happy 9th anniversary muli sa akin! I love you, Yhelster.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon