[16] Call Of Nature

98.8K 3.1K 577
                                    

[16] Call Of Nature


Chelsea's POV


Hindi ko alam ung bakit kinakabahan ako tuwing iniisip ko na gusto akong makausap ni Sheen. Mayroon kasi biglang tumubo na pagkailang sa kanya sa sistema ko pagkatapos niyang ipahiwatig na may gusto siya sa akin. Or so I thought. Hindi kaya nag-aassume lang ako? Hindi naman siguro. Kahit naman siguro sino ay maiintindihan ang sinabi niya.

"Ano bang pag-uusapan niyo ni Sheen?" Kasama ko si Wayne na nakapwesto sa tapat ng bonfire. Tapos na kaming kumain ng dinner kaya naman nagpapaantok nalang kami ngayon.

"Ewan ko."

Narinig ko siyang nag-'tsk' kaya binalingan ko siya. Parang nagtatampo ang reaksyon niya. "Ano nga?" kulit niya.

"Hindi ko nga alam," sagot ko nalang tapos tumayo na ako. Sinundan niya naman ako hanggang sa pumwesto ako sa may 'di kalayuan, sa paanan ng puno kaharap ang malawak na view na animo'y may maliliit na kumukutitap na ilaw. One word to describe it; beautiful.

"Chelsea ah, yung sinabi ko sa'yo," seryosong sabi sa akin ni Wayne. "Baka pinopormahan ka na nung lalaking yun ah. Ayoko sa kanya para sayo."

For a second, nairita ako kay Wayne. Bakit ba nangingielam siya tungkol sa usaping ito? Mas lalo tuloy ako nababadtrip. Ni hindi ko nga siya pinapakielaman ngayong nagiging malapit na sila sa isa't-isa ng bestfriend ko. Hmm...

"Ewan ko sa'yo, Wayne. Bumalik ka na nga dun. Kausapin mo nalang si Metch." Niyakap ko ang sarili ko dahil medyo lumalakas na ang ihip ng hangin.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko yung mahina at nakakalokong tawa ni Wayne kaya hinarap ko siya. "Bakit ka tumatawa dyan?"

"Kaibigan ko lang si Metch. Trust me."

Nagtaka ako. Kusa tuloy tumaas ang isa kong kilay. Bakit siya nagpapaliwanag dyan? "So?"

"So? Wala lang. Kunwari nagseselos ka. You sounded like one." At natawa na naman siya kaya napasimangot nalang ako at umiwas ng tingin. Baliw. "Joke lang. Ang sama kasi ng tingin mo kapag kasama ko si Metch. Huwag mong pagselosan 'yon." He placed a hand over my shoulder. "Mas gusto kita kaysa sa kanya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ewan ko ba pero yung initial reaction ko ay nag-init ang buong mukha ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan, Wayne?"

He chuckled softly again. Ang saya niya ngayon in fairness. "Anong iniisip mo dyan? Ang ibig kong sabihin, mas gusto kitang kasama kaysa sa kanya. Uyyy, may malisya ka sa akin, 'no?"

Pinalo ko siya sa braso. Ang daldal kasi! "Tumigil ka nga dyan. Para kang bata!"

"Ba't ba ang hilig-hilig niyo akong paluin sa braso? May pasa na yata ako dito o'. Parehas kayo ni Metch," nagtatampong sabi niya habang itinataas yung sleeve ng shirt niya. Ewan ko ba pero nairita ulit ako. Puro nalang Metch, Metch, Metch, Metch!

"Metch-- ay, Chelsea pala. Sorry," tawag niya sa akin tapos natawa siya sa pagkakamali niya. "May insect repellant ka bang dala? Malamok e."

Hindi ko siya pinansin. Nakakainis! Bukambibig niya si Metch. At... bakit ako naiinis, aber? Bestfriend ko naman si Metch. Wala naman siyang ginagawang masama. Ghad, masama na 'to.

"Chelsea, may insect repellant ka ba?" tanong ulit.

"Dun sa bag ko. Kunin mo nalang. Ang arte nito." Binulong ko yung huli kong sinabi. Nagiging iritable na ako lately. Hindi naman talaga ako ganito e. Nakakastress naman.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon