Epilogue (Part 2)

159K 4.5K 2.7K
                                    


Epilogue Part 2

Chelsea's POV

Halos hindi ko na mabuhat ang sarili kong mga paa kahit na hinihila ako ni Metch papalapit sa The 13th District. Para bang ang bigat ng bawat hakbang ko. Sa lahat ba naman kasi ng lugar na gustong kainan ni Metch ay bakit dito pa? Nananadya ba siya?

"Metch, ayokooo!" Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakapit. Nilingon niya naman ako. "Sa iba nalang, please?"

"E gusto ko dito e," pagmamaktol niya na parang bata. Napatitig ako sa kanya nang mariin. Ang weird kasi niya.

"May pinaplano ka ba para sa akin?"

She dramatically shook her head no as if I said the most stupid thing ever. "Of course not! Ano bang pinag-iisip mo dyan, Chels? Gusto ko lang talagang kumain ng Reese's wicked pie." At sinamahan pa ng pagpout niya. Ganito ba talaga ang mga buntis? Unbelievable.

"Then of all places, bakit dito pa? And weird e. Alam mo namang..." Hindi ko tuloy matuloy ang sasabihin ko at napakamot nalang sa ulo ko. Nakakafrustrate!

"E wala naman siya dito. At saka, kasalanan ko bang mag-crave sa Reese's wicked pie?"

Pinakatitigan ko si Metch. Kung kanina ay nawiwirduhan ako ay mas lalo pang nadagdagan iyong pagtataka ko sa kanya. Meron talagang nangyayaring hindi ko alam. Sino ba namang hindi magtataka kung yung bestfriend ko pa mismo na may alam na nasa stage of moving on palang ako ay siya rin mismo ang nagyayaya sa akin sa lugar na pagmamay-ari ng taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito?

"Tell me, Metch. Buntis ka ba talaga?" My accusing gaze came to rest on her that made her laugh. Kaso yung tawa niya, parang awkward. Ang weird talaga ni Metch ngayon!

"Oo nga!"

"Paanong nangyari?"

Mas lalo siyang natawa sa tanong ko kaya kumunot ang noo ko. "Seriously, Chels, ikukwento ko talaga kung paano nangyari? Dito sa gitna ng daan? E kung pumasok nalang kaya tayo at dun tayo magchikahan? Promise, detelyado ko pang ina-narrate sa'yo with feelings... Charot!"

Nagtagal pa ang titig ko sa kanya. Hindi ako marunong kumilatis kung nagsisinungaling ba o nagsasabi ng totoo ang isang tao pero mahirap talagang paniwalaang buntis na nga ang kaibigan ko. It's just far from... possible. Pero malay ko nga ba kung ginawa na nila ang bagay na iyon. Kung ginawa man nila e labas na ako du'n. Napahugot tuloy ako ng malalim na hininga at napailing nalang ng ulo. Buntis man siya o hindi, hindi niya ako mapapapasok sa coffee shop na yan.

"Metch, sorry talaga pero ayoko. Dadating naman si Sheen, 'di ba? Hintayin mo nalang. Uuwi nalang ako. Promise, babawi—"

Naputol ang sasabihin ko sa biglaang pag-ring ng phone ni Metch. Agad niyang tinignan ang phone at saka niya ako binalingan muli ng tingin. "Wait lang, Chels ha? Si Sheen tumatawag," aniya bago sinagot ang kanyang phone nang medyo nakatagilid sa direksyon ko. "Oh, Sheeny pie... Ano?... Yan ka na naman e."

Ayoko sanang makinig sa pag-uusap nina Metch at Sheen pero hindi ko mapigilan ang sarili lalo na't biglang tumaas ang boses ng kaibigan ko. She sounded pissed right now.

"Hindi ka talaga tumutupad sa— Fine. Bahala ka sa buhay mo!" padarag niyang binabaan ng tawag si Sheen bago niya ako hinarap nang nakakrus ang mga braso sa dibdib. Mukhang nag-away ang dalawa.

"Bakit? Anong problema?" patay malisya kong tanong.

She annoyingly blew some hairstrands that blocked her face and sighed heavily. "May biglaang appointment daw si Sheen kaya 'di niya na ako mapupuntahan dito."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon