[9] That Thing Called What?

138K 3.7K 701
                                    

***9*** THAT THING CALLED WHAT?


WAYNE'S POV

Tamo nga naman ang pagkakataon! Si Chelsea na muntikan ko nang maging girlfriend noon ay siyang magiging step-sister ko? Edi wow. Ang tatay ko talaga! Maghahanap na nga lang ng ipapalit kay Mama, e mangyari pang Mama pa ng babaeng pinormahan ko noon.

"Chelsea."

"Hmm?"

Sinulyapan ko siya sa rear view mirror. Saglit niya akong tinignan saka mabilis na binawi agad ang tingin niya. "Excited ka bang maging kapatid ng isang Mark Wayne Madrigal?"

Natanong ko lang naman 'yon para basagin ang katahimikan. Hindi ako sanay sa tahimik. Ayoko kasi ng malungkot. Gusto ko, masaya palagi ang paligid.

"Hindi," mahinang sagot niya na nagpanganga sa akin.

"Weh? Ang bait ko kayang kapatid. 'Wag ka lang maging makulit kundi igagapos kita sa tuktok ng bukid."

Tumawa lang siya ng mahina. "Sira, 20 years old na kaya ako. Anong akala mo sa'kin, 2 years old, Wayne?"

"Call me 'kuya' Wayne," at diniinan ko pa yung salitang kuya para i-emphasize sa kanya. Gusto ko talagang magkaroon ng kapatid na babae. Sa tingin ko kasi ay pwede silang ihalintulad sa mga pusa-- malambing.

"Kuya??"

"Oo."

"Ayoko."

Binagalan ko lang ang pagdadrive para safe akong makasulyap sa kanya. Nakapout siya at nakaweird look sa akin. Cute, Chelsea. "Mas matanda ako sayo ng 2 years. Mag-kuya ka sa akin dapat."

"Feel na feel mo ang pagiging kuya ah!"

"Aba, syempre of course. Kapag nagpakasal ang mga parents natin, magiging magkapatid na talaga tayo kaya dapat masanay ka na, Chelsea."

Nakita ko siyang sumimangot bago ko ibinalik ang focus ko sa kalsada. "Ayoko nga, nakakailang, Wayne. And besides, iisa lang naman ang itinuturing kong kapatid at iyon ay si Rance lang."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Teka, nagiging seryosong usapan na yata 'to. Pinakatitigan ko ang mukha niya. She seemed not to like my Dad for her Mom. Actually, kanina ko pa yun napapansin habang nagdidinner kami. Wala siyang kibo at mukhang hindi siya interesado.

"Nakakaoffend ka naman, Chelsea," may tampong sagot ko sa kanya. Half-joke, half-serious. "Salamat sa pambabasag ng trip."

"Hala," tinignan niya ako. "Hindi naman sa ganun, Wayne. Ano lang... Ayoko--"

"Ayaw mo sa Daddy ko para sa Mommy mo?"

Bumuntong-hininga siya. Ipinasok ko muna ang sasakyan sa loob ng subdivision bago ko siya sinagot. "Chelsea, hayaan na natin sumaya ang Mommy mo at ang Daddy ko."

"Mahirap..."

"Mahirap? Hindi ah. Sa umpisa lang 'yan. Kapag naging masaya ang parents natin, magiging masaya rin tayo. At kapag naging masaya tayo, magiging masaya rin ang mga kapatid natin at kapag naging masaya ang mga kapatid natin, magiging one big happy family tayo at kapag naging one big happy family tayo, matatanggal ang kabitter-an dyan sa puso mo"-- Natawa ako nung binalingan niya ako at pinaningkitan ng mga mata-- "Oh, teka, hindi pa ako tapos. So ayun nga, kapag natanggal na ang kabitter-an sa puso mo, mamumuhay tayo ng mapayapa. Malay mo, sina Daddy ko at Mommy mo ang magpapatunay na may forever, edi boom panes ka diba?"

Tinikom niya ang mga labi niya na para bang nagpipigil ng tawa. Teka, anong nakakatawa? Luh, kung kailan nagseseryoso ako, saka pa siya tatawa. "Chelsea Yuan, anong nakakatawa?"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon