[84] Why So Sudden?

67.9K 2.4K 674
                                    


[84] Why So Sudden?

Chelsea's POV

"It's about time na dalawin mo na ang Mama mo sa Maynila, anak..."

Ayoko sanang sumang-ayon sa suhestyon ni Papa but seeing his hopeful eyes looking at me, kusang lumambot ang puso ko. Hindi ako mapalagay sa sinabi ni Wayne sa akin kagabi kaya si Papa agad ang nilapitan ko tungkol dito first thing in the morning. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko ba kay Papa dahil buo naman na ang desisyon kong tumanggi kay Wayne. Pero inaamin ko, miss na miss ko na talaga ang mga naiwan ko sa Maynila.

It's been four years since I left...

"Pa, paano po ang resort? Hindi rin po kita pwedeng iwan dito, Pa."

His eyes studied me intently then seconds later, a small smile formed his lips. "Babalik ka naman, 'di ba? As if you'll be staying there for good. Hindi sa ayaw ko pero kung gusto mong bumalik na sa Mama mo—"

"Pa!" bugnot sa sambit ko at tinabihan siya sa sofa. Niyakap ko ang kanyang kaliwang braso at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "'Wag ka nga pong ganyan. Hindi ba po nangako na akong hindi na ako aalis sa tabi mo? Sa sinabi mo tuloy, Pa, parang ayoko nang umalis..."

"Ano ka ba, Chelsea. Namimiss ka na ng Mama mo," sabi niya pero sumimangot lang ako. "Ako nang bahala dito sa resort. At 'wag kang mag-alala sa akin. I am really fine. Anyway, I'm giving you two to three—"

"Days?" I interrupted him, a hopeful smile appeared from my lips.

"Weeks, rather." He said and I snorted. Ang tagal! "Baka sabihin ng Mama mo na pinagdadamot kita sa kanya. Pagbigyan mo na ako."

"But Pa, you're sick. Tignan mo naman yung rayuma mo oh..."

He tapped my cheek and smiled reassuringly at me. "I'll be fine."

Napapikit nalang ako't humugot ng malalim na hininga. Labag man sa kalooban ko pero siguro nga ito na yung sign para harapin ko si Mama. Miss na miss ko na rin naman siya lalo na si Rance...

"Sige po, Pa. Uuwi rin po agad dito after two weeks." Ngumiti ako ng tipid kay Papa at ganun din siya sa akin.

"Good. Ako nang bahala sa plane ticket mo nang makasabay ka sa flight nina Wayne mamayang gabi."

Hindi pa man ako nakakaalis pero nagsisimula na akong kabahan. I'm going back to Manila to visit my family and not for anything else. Stick that on your mind, Chels...

***

As expected, Jacob barged into my room as soon as he received the news about me flying to Manila. Nag-eempake pa man din ako nun ng gamit kaya natigilan ako saglit sa biglaan pagsulpot niya sa kwarto ko.

"Why so sudden, Chelsea?"

Nilingon ko siya bago bumalik sa paglalagay ng damit sa maleta ko. "Sorry kung 'di ko nasabi sa'yo. Kanina lang kasi ako nakapagdesisyon," mahinang sabi ko. "At saka, don't worry. Two weeks lang naman ako du'n. Dadalawin ko lang sina Mama at Rance."

He groaned in frustration and felt his annoyed stare at me. "Bakit nga biglaan? This has something to do with that guy, right?"

That guy... Yeah, right.

"Partly, yes. Siya ang nagsabi sa akin na gusto akong makita ni Mama."

He huffed a sarcastic laugh. "Namimiss? Baka naman siya ang nakakamiss sa'yo."

"Jacob!" saway ko sa kanya't pinandilatan siya ng mga mata. He shut his mouth in a thin line right away. "Imposible bang mamiss ako ng Mama ko? It's been four years since I left and I admit that I'm longing to see her and Rance, too."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon