[90.2] Last Chapter

82.9K 2.5K 668
                                    


Yhel's Note: Forgive me and my typos. Ieedit ko nalang next time. May epilogue pa.

[90.2] Last Chapter

Chelsea's POV

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima...

Limang litrato at tatlong tao mula sa nakaraan. Medyo kupas na ang ilan ngunit malinaw sa akin na ako ang batang kasama ng babae't lalaki sa litrato na abot hanggang mata ang mga ngiti.

Mayroong buhat ako ng lalaki habang pinapatulog ako. Ang isa naman ay buhat ako ng babae habang nasa tabi niya ang lalaki sa harap ng altar. Was it my baptismal? I don't know. Basta ang alam ko ay nakasuot ang batang nasa litrato ng maliit na puting bestida at sumbrero.

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi maalis ang mga mata kong nakatitig sa bawat litratong hawak ko. Paulit-ulit, palipat-lipat ang bawat tingin ko. At huli na nang namalayan kong nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang mga iyon.

"Hindi..." Nasabi ko nalang sa sarili kong maaaring hindi ako ang batang iyon. I am scared of the reason why Tito Edgar gave this to me. Sabi niya ay mahalaga ito para kay Papa at itinago niya ito ng ilang taon. Pero bakit? Bakit ngayon niya lang ito binigay kung kailan wala na si Papa?

I stared again at the photos. Hindi na rin ako nakatiis at tumayo na ako't nagtungo sa cabinet para kunin ang ilang litrato ko noong bata pa lang ako. I took one photo of mine and compared it to those five photos. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko sa kumpirmasyong ang batang nasa litrato at ako ay iisa. We got the same eyes, nose and smiles. I might be bigger on my photo than those five pero maaaring ilang buwan lang ang pagitan nang kuhanan ang mga iyon.

I suddenly became thirsty about the significance of those photos. Gusto kong malaman kung sino ang mga taong kasama ko sa litrato kahit na sa isang sulok ng isip ko ay sumagi na ang takot sa akin. Suddenly, I stopped because one thing has caught my attention. May nakasulat sa likod ng isang litrato.

'Happy Christening to our little angel; Chelsea.'

Malinaw ang mga salitang nakasulat sa likod nito. Confirmed. So, the baby's name is Chelsea. Ako nga ito ngunit sino sila?

Lumipad muli ang tingin ko sa kaninang hawak kong envelope. Kinuha ko iyon at kahit na nanginginig ang mga kamay ay may kung anong kinapa sa loob nito. Isang puting papel ang nilabas ko. For some reason, I felt my heart beating a mile a minute lalo na nang sa pagbukas ko ng papel ay bumungad sa akin pamilyar na penmanship ni Papa.

Saglit akong natigilan at mayamaya pa'y muling binalik sa pagkakatupi ang papel. I was hesitant for a moment. Should I read this? Is this letter for me? But then again, I realized that Tito Edgar gave this to me. It was precious to Papa. Marahil ay intensyon niyang ibigay sa akin kapag pumanaw na siya. Tila kinurot muli ang puso ko sa naisip.

I found myself unfolding the paper again. Then, I took a few deep breaths before I started reading it.

Dear Chelsea,

Sa mga oras na ito habang isinusulat ko ang letter na ito ay five years old ka palang, anak. Sa katunayan, kasalukuyan kang natutulog ng mahimbing sa kama mo. Ang sarap mong titigan. Nakakawala ng pagod lalo na't sa tuwing nakikita kong ngumingiti ka. Kapag tumatawa ka naman, parang nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko kahit pansamantala lang.

Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ko sa unang talatang nabasa. Naiimagine kong katabi ko talaga si Papa. Parang nagsasalita talaga siya sa isip ko. I miss him so much...

Chelsea, anak, ilang taon ka na kaya ngayon? Sinulat ko ito habang bata ka palang pero intensyon kong ibigay ito sa'yo kapag malaki ka na. Masakit mang isipin pero gusto kong mabasa mo ito kapag wala na ako. Sana naman sa mga oras na ito, habang binabasa mo ang sulat na ito ay maayos na ang buhay mo. Sana graduate ka na. Ano kaya ang trabaho mo ngayon? Nurse? Doctor? Lawyer? Accountant? Teacher? Businesswoman? Flight attendant? Chef katulad ko? O baka naman artista? Hindi naman yan imposible. Sigurado naman akong maganda ang anak ko. Mana ka sa mga Yuan, e. Anyway, whatever your job is, I am in full support. Basta ba natupad mo ang pangarap mo at masaya ka sa trabaho mo ay masaya na rin ako para sa'yo, anak.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon