[32] BH

73.8K 2.7K 526
                                    

[32] BH


Metch's POV


Isang malalim na buntong-hininga to start my day. Unang araw pa lang ng klase pero badtrip na ako. Honestly, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Daig ko pa ang niloko ng boyfriend which is funny kasi wala naman akong boyfriend. At paano ako magkakaboyfriend kung yung taong gusto ko-- Ay, mali! Yung taong nagustuhan ko ay ginagag0 lang ako all this time.

Nag-vibrate na naman ang phone ko at nag-flash na naman sa screen nito ang number ng ugok. Binura ko na yung contact niya sa phone ko, eh useless din naman kasi kahit burahin ko, text pa rin siya ng text.


From: +639********

Metch, mag-usap naman tayo.


"Makapagpalit na nga ng sim!" Pinatay ko yung phone ko at naglakad na papasok sa building ko. Fourth year na ako, B.S in Tourism. Last year ko na sa college kaya dapat wala na akong ibang isipin kundi ang pag-aaral ko at wala ng iba.

"Metch!"

Nilingon ko ang tumawag. Huminto ako at humarap nang makitang si Chelsea pala. In fairness, ang aliwalas ng mukha niya ngayon. Naka-get over na siya siguro sa nangyari last time sa mall.

"Good morning, Metch. Kanina pa kita hinahanap."

Nagsabay na kami sa pag-akyat sa hagdanan. Sa totoo lang, bangag pa rin ako hanggang ngayon e. Gusto kong manahimik muna. "Ahh, ganun ba?"

"Oo. Nagluto ako ng lunch para sa ating dalawa," sabay ngiti niya at nagbawi agad ng tingin. "Ay, sa ating tatlo pala."

"Tatlo?"

Tumango siya. Nasa second floor lang naman ang classroom namin kaya mabilis kaming nakarating. "Ikaw, ako at... sino?"

"S-Si Wayne."

Napaawang ang bibig ko sa sagot niya. Medyo bumagal nga ang hakbang ko kasi naiwan niya na ako sa may pinto at dumiretso na sa loob ng room. Wow, pinagluto niya rin si Wayne?

Lumapit na ako sa pwesto ni Chelsea at naupo sa tabi niya. I stared at her face, scrutinizing her expression and I noticed that she looks happy. "Inspired ka ba or what?"

She shot me a weird look. "Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Parang may kakaiba e," sabi ko at magsasalita pa sana siya nang bigla may nagsalita sa harapan. Nandyan na pala si Prof.



It only took us almost half an hour before the prof dismissed us. Unang araw pa lang kasi e, pinakita lang namin yung registration card namin at saka na kami pinaalis.

11:30 na rin nun kaya lunch time na rin. "Saan tayo maglalunch?" tanong ko kay Chelsea.

Palabas na kami ng classroom nang mapansin kong may ka-text yata siya. It must be Wayne. Loko 'yon! Sa akin, hindi nagrereply tapos kay Chelsea, nagrereply?

Napapaisip tuloy ako. Ano pa't ide-date niya ako para makalimutan si Chelsea eh hindi niya naman matiis ang sarili niya na harapin ang bestfriend ko diba? Tinitigan ko lang si Chelsea. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inggit sa kanya. Dala-dalawa ang boylet na nagkakagusto sa kanya.

"Sa picnic section daw tayo," nakangiting sabi niya at mabilis na naglakad. Naiwan pa nga ako e. Halatang excited?

Nang makarating kami sa picnic section just right behind our building, pumuwesto agad kami dun sa ilalim ng puno para may silong. Pinakatitigan ko lang si Chelsea habang excited niyang nilalabas yung food containers mula sa bag niya.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon