[31] Missing You

78.8K 2.8K 583
                                    

[31] Missing You


Chelsea's POV


"Tomorrow's the start of class na, Ate. Hindi pa po ba uuwi sina Mama at Tito Anton?" Rance asked curiously while I was untying her hair. Gusto kasi niyang mag-swimming. Pinayagan ko naman since hindi na mainit. 4:30 na rin kasi ng hapon.

"Uuwi na rin sila soon, Rance."

Today's Sunday at bukas ay start na ng klase. Nakakatamad pa nga sanang pumasok e. Bitin ang two months vacation.

"Tara," I said as I accompanied her to the kiddie pool. Safe naman dun kasi 2-3 feet lang yung lalim. Pinanuod ko lang siya na magtampisaw pero ang isip ko kung saan-saan na lumilipad.

Tatlong araw na ang nakalipas nang huli kaming magkita ni Wayne. Since then, wala na akong balita sa kanya. Wala kasing text o call man lang pero bakit nga ba siya tatawag o magtetext? Asa naman ako.

Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo ko. Nasisiraan na yata ako ng ulo. Tatlong araw na ang nakalipas at malinaw sa usapan namin na kalimutan na ang lahat pero hindi naman ganun kadali yun. In fact, mas lalo pang gumugulo sa isip ko ang mga sinabi niya.


"Did you ever fall in love with me?"


Lagi nalang sumasagi sa isip ko ang tanong niyang iyon. As much as I wanted to forget it, the more it crosses my mind. Nafufrustrate na nga ako e. Ano ba, Chelsea!

Nakamukmok lang ako habang binabantayan si Rance, nakababad ang mga paa ko sa pool at paulit-ulit pang humuhugot ng malalim na hininga. Mas mabuti ngang bumalik na ako sa pag-aaral nang madistract ako.

"Ayos ka lang, Ate?"

Ngumiti lang ako ng tipid kay Rance. Alam niya talaga tuwing naba-bother ako. "Ayos lang ako."

Mayamaya lang ay dumating ang isa sa maid at nagprisinta na siya nalang daw ang magbabantay kay Rance. Nakita niya yata akong humikab. Hindi naman ako inaantok pero pakiramdam ko wala akong ganang kumilos. Wala lang talaga ako sa mood.

"Rance, aakyat na muna ako sa kwarto ha?" paalam ko at pumayag naman siya. Dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Pero ilang minuto lang ay bumangon ako kasi nahagip ng paningin ko ang gitara sa gilid ng closet ko. Kaya bumangon ako at kinuha iyon.

Pumwesto ako sa kama at sinubukang tumipa sa gitara. "Mmm, marunong pa kaya ako nito?" bulong ko sa sarili. Ilang buwan na rin nang huli akong mag-gitara. Musically inclined kasi ako. Tinuruan ako ni Papa simula pa pagkabata.

Tumipa ulit ako pero napasimangot ako nang mapansin kong wala sa tono ang gitara. Isa pang tipa... "Tsk, wala talaga sa tono." Sinubukan kong i-tono kaso hindi ako marunong.

Gusto ko pa naman mag-gitara! Kapag ganitong stressed at bothered ako, inirerelease ko sa pagtugtog ng gitara.

"Nakakainis."

May kumatok sa pinto. I don't mind everyone stepping inside my room, basta ba kakatok lang sila. Isa pala sa mga maids. "Ma'am, kukunin ko lang ang mga labahan?"

"Sige po."

Pumasok siya sa bathroom. Ako naman, trying hard sa pag-aayos ng gitara. Nang maputol na ang pasensya ko, sumuko na ako. "Tsk!"

"Ma'am Chelsea." Tumingin ako sa maid. Hawak-hawak niya na yung basket ng mga damit ko. "Sira na po ba? May gitara si Sir Wayne sa kwarto niya. Baka gusto mong gamitin?"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon