[86.2] Assume
Chelsea's POV
Nakakainis talaga ang luha. Traydor minsan. Kusang tumutulo sa mga pambihirang pagkakataon. Ayaw makisama, e. Babagsak na nga lang, sa harap pa ng taong pinagtataguan natin ng emosyon. Nakakainis pa dahil ayaw kumalma ng sistema ko. Pinipigilan ko ang sarili pero walang tigil pa rin ang pagpapakawala ng hikbi ko.
"Chelsea, let it out. Baka hindi ka na makahinga nyan sa kakapigil mo..."
Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at mas lalong pinigilan ang paghikbi ko. Naiinis na talaga ako sa sarili ko dahil ayaw kong kumalma. Hindi sa ayaw pero hindi ko talaga magawang pakalmahin ang sarili ko. Paano ko naman 'yon magagawa e ilang minuto na siyang nakayakap sa akin?
"Sshh..."
Hindi naman masyadong mahigpit ang yakap niya sa akin para maging dahilan para hindi ako makahinga. Hinahagod pa nga ni Wayne ang likod ko ng buong ingat para pakalmahin ako. Yung puso ko na marahil ang may problema dahil tila nagwawala na ito sa loob ko.
Pinikit ko ang aking mga mata at kasabay nito ay napahigpit din ang pagkakakapit ko sa gilid ng shirt niya. Chelsea, breathe in... Breathe out. Kalma na. Bakit ka nga ba kasi umiiyak?
He moved his head back a bit and studied my face intently. My eyes automatically flew open. "Okay ka na?" masuyong tanong niya. "Kalmado ka na?"
He broke free from the hug and then cupped my face with his both hands. His two thumbs brushed my tears off my eyes. Napalunok tuloy ako sa gesture niyang iyon. One thing crossed my mind. I missed this side of him. I missed the way he cares for me. I missed everything about him. I missed him very much...
"H'wag kang umiyak. Para namang inaaway kita dyan..." malambing niyang sabi. May kung ano siyang kinuha sa compartment sa harapan namin. Isang bote ng tubig. Binuksan niya ito at inabot sa akin. "Hmm, inom ka muna..."
I don't know why I didn't move even for a bit. Para akong paralisado. Hindi ko na marecognize ang mga emosyong naglalaro sa sistema ko na tila ba nagpatuliro nalang sa akin.
"Ayaw mo bang uminom?" tanong niya sa akin bago tinignan ang bote. Dun ko lang napansin na may bawas na ito na mukhang ngayon lang din niya napansin. "Oh, ibibili nalang kita ng bago—"
Hindi ko na siya pinatapos na magsalita dahil hinablot ko na mula sa kanya ang bote at saka ito ininuman. Inubos ko iyon hanggang sa huling patak.
"S-Salamat," I murmured, my heart still beating crazily.
He was staring at me. His expression was unreadable.
"Okay ka na?" tanong niyang muli. Tumango ako sa kanya. Binuksan ko ang bintana sa side ko at itatapon sana ang bote pero pinigilan niya ang kamay ko. "'Wag mo itapon!"
Nilingon ko siya ng may pagtataka. Malinis ang kotse niya. Ni walang bahid ng basura kaya dapat itapon ko na ito.
"Uh..." Ngumiwi siya sabat kinuha ang bote mula sa akin. "Pwedeng i-recycle 'to. Let's save mother earth," aniya at inilagay ang bote sa kanyang gilid.
Katahimikan. Wala ng umimik muli sa pagitan namin. Parehas lang kaming nakatulala sa harapan, pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako umiyak. Kahit ako naman ay ipinagtataka ko rin iyon. Nagtataka ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. After four long years, I felt this feeling again and I hate it.
"Wayne..."
Walang imik siyang tumingin sa akin. Sinalubong ko ang masuyo niyang tingin.
"I—I'm sorry I broke down. Pagod lang kasi ako."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...