***2***
Napakurap ako ng mga mata ng dalawang beses. Lahat ng atensyon ng tao ay nasa akin. Ngayon ko lang yata naramdaman ang ganito. Mas masahol pa ang feeling ng taong muntik nang masagasaan kaysa sa mga walang kwentang break up.
"Miss! Miss!"
Nabalik ako sa huwisyo ko nang marinig na naman ang boses na 'yon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa gulat kaya naman... "AAAAAAHHHHHHHH!!!"
Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas. Fine, late reaction ako pero ngayon lang talaga pumasok sa sistema ko yung nangyari. Muntikan na akong mamatay!
"Kyaaaaaaaaaahhh!!"
"Sh1t! Miss, kumalma ka! May masakit ba sayo?! Naku naman!"
Nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagbagsakan. Panay na ang hikbi ko habang eto pa rin ako nakaupo sa sahig habang nakatakip ang dalawang palad sa mga tenga ko. Ayoko na. Huhuhu! Ano bang nangyayari sa buhay ko ngayon????
"Sir, anong kaguluhan 'to?" May lumapit na mga enforcers sa amin. Hindi pa rin ako makagalaw sa nerbyos. Eto namang lalaki sa harapan ko nanatiling nakatayo lang. Ni hindi ko magawang mag-angat ng tingin. Sobrang kinakabahan ako. Sobra pa sa grabe ang takot ko!
"Naku, sir. Hindi ko sinasadya. Naka-green ang lights diba? Ayun, tumawid siya. 'Di ko alam kung kasalanan ko o hindi pero pasensya na talaga," sabi nung boses tapos umupo siya para lumevel sa akin pero laking gulat ko nang makita ang mukha niya.
How could this day get any worse?
"Chelsea???"
Napahinto ako sa pag-iyak. As in, kung pwede lang umatras ang mga luha ko eh baka umatras na nga nung makita kong si Wayne pala ang muntik nang makasagasa sa akin. Of all people, siya pa? Oh, geez.
"Pag-usapan nalang natin ito sa presinto," sabi nung pulis tapos may dalawa pang umalalay sa akin na tumayo pero nagmatigas ako. Nanginginig pa rin ang tuhod ko.
"Sir, kilala ko siya. Kami na ang mag-aayos nito. Diba Chelsea? Chelsea Yuan?"
Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero walang boses na lumabas. Nanginginig din pati ang mga labi ko.
"Mukhang hindi naman kayo magkakilala. 'Wag na tayong maglokohan dito, Sir. Ang mabuti pa ay sumama nalang kayo at sa presinto nalang natin ito pag-usapan. Nakakaabala na kayo sa ibang tao o'!" iritadong sagot nung enforcer.
Nagtaka ako nang humarap sa akin si Wayne sabay kamot pa sa ulo niya. "Chelsea, magsalita ka. Magkakilala tayo diba?" Napalunok lang ako kaya napa-tsk siya. "Teka, pasensya na ha?" bulong niya at ang sumunod nalang na ginawa niya ay kinuha niya yung purse ko at may hinanap na kung ano roon.
Tumayo siya at inilabas ang ID ko para ipakita sa pulis. "Chelsea ang pangalan niya, Sir. Kaibigan ko siya," sabi pa nito sabay labas naman niya ng sarili niyang ID mula sa bulsa ng pants niya. "Mark Wayne Madrigal nga po pala. Parehas kaming estudyante ng East High University. Okay na ho ba?"
Nanahimik ang traffic enforcer at wala nang nagawa kundi ang tumango sabay harap sa akin. "Okay ka lang ba, Miss? Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital?"
Hindi ako sumagot. Siguro nga nasa state of shock pa ako. Nakakatrauma naman 'to. Parang ayoko na tuloy tumawid, ever!
"Ako na po ang bahala sa kanya. Pasensya na sa abala," sabi ni Wayne at naramdaman ko nalang ang sarili ko na umangat mula sa lupa. Isinakay niya ako sa passenger's seat at mabilis siyang umikot para makasakay sa driver's seat. Bago niya pinaharurot ang kotse ay sumaludo muna siya dun sa mga traffic enforcers.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...