[78] Leaving

59.8K 2.4K 755
                                    


[78] Leaving

Chelsea's POV

"Chelsea..."

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita kong may dalang tray ng pagkain si Metch para sa akin. I lazily sat up and faced her. Dito muna ako dumerecho kagabi dahil ayoko munang umuwi sa bahay. Gusto kong lumayo sa mga taong nagpapaalala sa akin kung bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko.

I'm glad that Metch welcomed me wholeheartedly last night. Umiiyak ako nang magpunta sa kanya. Hindi ko man naikuwento sa kanya kung anong nangyari pero mas pinili niyang hayaan akong mapag-isa.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Dinalhan kita ng pagkain."

I feigned a smile and gave her a tight hug. Isa sa mga mamimiss ko sa Maynila ay ang babaeng ito.

"I will miss you, Metch."

She pulled back from the hug and stared at me in confusion. "Mamimiss mo 'ko? Bakit? Saan ka pupunta?"

"Aalis na ako. Sasama na ako kay Papa sa Bohol."

Napatutop siya sa bibig sa pagkabigla. Nilapag niya ang tray sa bedside drawer at naupo sa gilid ng kama. "What? Bumalik na ang Papa mo galing abroad?"

Tumango ako. Sobrang bigat ng mga mata ko marahil sa namamaga ang mga ito sa kakaiyak.

"Paano ang Mama mo? Si Rance? Si Wayne? Chelsea, sigurado ka na ba?" She sounded so frustrated about my sudden decision.

"Oo. Wala nang makakapagpabago ng desisyon ko."

"Teka. Teka. Ano bang nangyari? Bakit biglaan? Kung ayaw mong sumama, huwag kang sasama. Kausapin mo ang Dad mo."

Inabot ko ang kamay niya. Natigilan siya nang umiling ako. "Ginusto ko 'to, Metch. Gusto kong magpakalayo-layo. Gusto ko na rin makasama ang Papa ko."

Natulala siya sa akin. Tila naguluhan at nabigla sa desisyon ko. "Chelsea..."

"Kapatid ko si Wayne, Metch."

"Pero hindi mo siya kapatid!"

I took out a deep sigh. "I broke up with him."

She rolled up her eyes and stood up. Naglakad siya pari't-parito sa harapan ko. Mas naging frustrated kaysa kanina.

"I knew it. Nabuking kayo, 'no? Sinabi ko naman sa'yo na umamin ka na dati pero mas pinili niyo pang ilihim ang relasyon ninyo. At saka, hello! Hindi naman kayo magkadugo ni Wayne. Kausapin mo lang ng maayos ang Mama mo at maiintindihan—"

I cut her off.

"The thing is he's my half-brother. Totoong anak siya ni Mama. Metch, kadugo ko si Wayne."

Natigilan siya at nalaglag ang panga sa sinabi ko. The way I said it, parang binubuhusan ko ng asido ang puso ko sa sobrang sakit. Pagod akong ngumiti pero ayan na naman ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Oh my god!" Mabilis niya akong tinabihan sa kama. "Paano nangyari 'yon?"

Tinulungan niya akong punasan ang mga luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos haplos ang kanyang buhok.

"Sa susunod ko nalang ikukwento, Metch. Sa ngayon, gusto kong lang sabihin na kapag umalis na ako ay mag-aral ka ng mabuti, ha? Ga-graduate ka sa March. Balita ko ay kayo na ni Sheen. Chat mo lang ako kapag inaway ka niya, huh?"

Humikbi na siya sa yakap ko. Sheesh. Ito ang ayaw ko e. Mas mahirap tuloy umalis.

"Nakakainis ka! Alam mo yun..." Humikbi siya ng malakas. "Pero kung ito ang makakabuti sayo, Chels, susuportahan kita. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon