Si Metch po ang nasa picture.
[18] Moving Out
Chelsea's POV
"Magpahinga ka na, Chelsea." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Wayne bago ako tuluyan nang pumasok sa bahay namin. I'm finally home. Makakapagpahinga na ako ng maayos. Mukhang hindi magandang ideya ang pagbabakasyon kuno kasama si Sheen sa Laguna. Well, masaya naman kahit papaano not until he confessed to me his feelings. Hayyy...
Pagkapasok ko sa sala, natigilan ako saglit nung makita kong nakasalansang ang ilang gamit dun. As in, ang daming malalaking box ang nakalapag sa sahig. Maging yung ilan sa mga appliances namin ay naka-box na rin.
"Oh, Chelsea. Nakauwi ka na? Akala ko, one week ka magbabakasyon?" Napakurap ako ng mga mata nung bigla nalang sumulpot si Mama sa harapan ko. She kissed my cheek and gave me a quick hug.
"Uh, things happened, Ma." Kumunot ang noo ni Mama sa sinagot ko pero para hindi na siya magtanong pa ay tinuro ko yung mga gamit sa harapan ko. "Ano pong meron? Ba't nakaganyan yan? Parang nag-aalisi-balutan kayo."
And then, Tito Anton appeared from the kitchen. Buhat niya yung oven namin kasunod ng isa pang lalaki na dala-dala naman ang maliit na kitchen cabinet. I can't help but to panic. Anong nangyayari?
"Ma? Ano po 'to?"
Nagkatinginan muna sila ni Tito Anton bagoulit bumaling sa akin and by the look she's giving me, I started to get anxious.
"I'm thinking of moving out from here. Hindi naman na kasi maganda kung dito pa tayo tutuloy sa bahay——"
Kusang nag-init ang ulo ko. Ni hindi ko na napigilan ang sarili ko na patapusin si Mama. "Pero regalo po sayo ito ni Papa."
She heaved out a sigh. "Exactly, Chelsea. Nakakahiya naman kung dito pa ako tutuloy ngayong hiwalay na kami."
Lumapit siya kay Tito Anton at saka siya inakbayan nito. Bumigat tuloy lalo ang loob ko. Kahit saan yata ako pumunta, may problemang humahabol sa akin.
"Napagkasunduan namin ni Tito Anton mo na tumira nalang kasama niya. He bought a house near your University."
WALA na akong nagawa kundi ang sundin nalang si Mama. In fact, kalahati ng kagamitan namin sa bahay ay nailipat na. Hindi ako makatulog ng maayos just thinking about we're moving out of this house. Marami pa naman akong memories dito. Hindi man ako dito lumaki, may sentimental value pa rin ito para sa akin dahil pinundar ito ni Papa habang nagtatrabaho siya sa ibang bansa.
Buhat-buhat ko yung malaking box na puno ng girly stuffs ko pasakay sa van. Medyo pinagmasdan ko muna yung bahay bago ako tuluyan nang sumakay.
Wala pang isang oras nang makarating kami sa bagong bahay namin. Nasa isang exclusive village ito. Tight ang security at mukhang puro mayayaman ang nakatira. Nakita ko nalang ang sarili ko na yakap-yakap ang kahon habang nakatitig sa bahay.
I can't help myself but to be amused by its structure. Animo'y parang isang mall ito dahil sa glasswalls nito. Binilinag ko pa ang floors nito at nalula ako nang makitang 5 floors ito.
"Wow. Iilan lang kaming titira dito ah. Ba't ang laki naman masyado?" bulong ko sa sarili ko habang papasok ng bahay.
Miski pagpasok ay naconscious ako na ilapat ang paa ko sa sahig. Sobrang kintab at linis kasi! No doubt. Mayaman nga ang mga Madrigal. Eh aabutin yata ng 15 years si Papa sa pagtatrabaho sa ibang bansa para lang makapundar ng ganitong klaseng bahay e.
"Nandito ka na pala, Chelsea." Napatingin ako kay Tito Anton. Nakasimpleng short pants lang ito at puting plain shirt. Nakangiti siya sa akin kahit na seryoso ako.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...