[47] Why Not Me?
Chelsea's POV
"Anong ginagawa mo dito?"
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parehas kami ng reaksyon ni Wayne pagkakita sa lalaking.... saglit. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng light blue na polo na naka-fold ang sleeves hanggang siko at black pants naman sa bottom. Malamang pamilyar na pamilyar sa akin ang lalaking ito. Siya ba naman yung kahati ko sa couple anklet na mangyaring sumagip din sa akin nung kamuntikan na akong sagasaan ng ex ko. Shucks, magkakilala pala sila ni Wayne?
"Tinatanong pa ba yan, dude?"
At mukhang hindi lang sila simpleng magkakilala base sa pag-uusap nila. May welcoming gesture pa silang ginawa na tipong mga lalaki lang ang nakakaintindi. Chest bump, I guess?
"Jake, huwag mong sabihing---"
"Ako nga."
"Gag0." Wayne glared at him. Ito namang si anklet guy, natawa lang. Mukha tuloy naasar si Wayne. Ano bang nangyayari? "Tara nga muna."
"Excuse lang, Chelsea ha?" paalam ni... hindi ko pa rin alam ang pangalan pero tinawag yata siyang Jake ni Wayne so perhaps yun ang pangalan niya. I gave them a nod before they left. Hinila pa nga ni Wayne si Jake na para bang pakaladkad ang ginawa niya dito.
So, siya pala si 13th guy. Napangiti nalang tuloy ako sa sarili ko. Not bad. Sana hindi na pumalpak ulit this time.
Wayne's POV
Hinila ko sa parking lot si Jake dahil hindi sa hindi ko maintindihang trip niya sa buhay? Siya? Nagprisinta bilang substitute sa panglabing-tatlo sa listahan? Magugunaw na ba ang mundo?
"Oy, teka, dude! Chill lang," alma niya at tinanggal ang pagkakakapit ko sa laylayan ng sleeve niya. "Ginusot mo naman ang damit ko. May date pa naman ako."
"Walangya ka, Jake. Seryoso ako sa pag-set up ng blind date para kay Chelsea tapos guguluhin mo lang? Epal ka rin, 'no."
Natawa lang siya sa sinabi ko sabay pa-cool na kibit-balikat. May gana pa siyang magpa-cool? Takteng yan. "Mukha ba akong nagjojoke, Wayne? Heto na ako o. I'm willing to replace the 13th guy on the list. Bakit umaangal ka?"
"Hindi sa umaangal ako pero kasi kilala kita."
"Kilalang ano?"
Umurong tuloy ang dila ko. Kahit anong isip ko, wala namang bad record si Jake sa mga babae. Sa katunayan, hindi rin naman siya mahilig sa babae... mas lalo na sa lalaki. Kahit weirdo yan, 'di hamak na mabait naman ang ungas na 'to kaya hindi ko siya mahanapan ng butas.
"O, wala kang masabi?" he said grinning from ear to ear as though he won this argument. "Wayne, listen." Tinapik niya pa ang braso ko. "Single ako. Hindi naman siguro masamang sumali sa blind date na sinet up mo para kay Chelsea diba?"
Anak ng... Argh! Napasapo nalang ako sa ulo ko. Nakakagago naman 'to. Yung taong hiningian ko ng tulong para sa pag-set up ng blind dates para kay Chelsea ay kasali din sa listahan?
"E bakit kasi ikaw pa, Jake?"
Ngumisi siya. Pang-asar lang ng loko. "E bakit naman hindi? Malay mo naman magkasundo kami, edi tapos na ang problema mo. Titigilan mo na siya at magfocus ka nalang sa pagiging step-brother mo sa kanya. Yun naman ang gusto mo diba?"
Tss. Tama siya. Yun naman talaga ang gusto ko; ang itulak siya sa iba nbanbg ipamukha ko sa sarili ko na hindi talaga kami pwede kahit saan mang anggulo. Yun talaga ang aim ko, ang makahanap na siya ng lalaki para sa kanya dahil ayaw din naman niya sa akin pero... si Jake? Hell no.
![](https://img.wattpad.com/cover/29837081-288-k419747.jpg)
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...